Crystal's PovDalawang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin bumababa ang temperatura ko. Nanatili ito sa 38.9 degrees Celsius. Si Kiann naman, halos kada minuto kung dalawin ako, para bang malubha na talaga ang lagay ko."Hindi ako tatakas, Kiann," iritable kong sambit nang pumasok siya, dala-dala ang tray ng pagkain, gamot, at tubig."Nagdala lang ako ng pagkain," he pointed out—kahit kakapasok lang niya para i-check ang temperature ko. Hindi ko na siya pinatulan dahil wala akong lakas makipag-away. Pinilit ko na lang ang aking sariling bumangon.Kung hindi ako kakain, mananatili siya rito. At mas lalo lang lalala ang pakiramdam ko kapag nasa paligid siya. At hindi matatapos ang aming away kapag nandito siya.Nilapag niya ang lugaw sa bedside table. Bawat subo ay pilit kong nilulunok—lahat ay mapait sa panlasa ko. Maging ang pag-inom ng tubig, nilalabanan ko kasi kailangan kong magpagaling. Hindi ko nagugustuhan ang pagpasok at palabas ni Kiann sa kwarto."I'll check your temperat
Last Updated : 2025-08-06 Read more