Beneath the Don’s Control

Beneath the Don’s Control

last updateHuling Na-update : 2025-07-21
By:  Alwida AlemIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
5Mga Kabanata
12views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

She witnessed a murder. Now she's living with one. Hiniwalayan ni Ethan si Crsytal Clair dahil kailangan nilang maghiwalay ng landas. Ngunit ibang landas pala ang tinatahak ni Ethan. Crystal saw everything in her eyes. She ran away and lead to witness a mafia’s execution. Now she’s not just a witness. She’s a captive. Taken by Kiann Delle Del Valle, the cold, calculating Don feared across the underworld. Para sa iba, banta si Crystal. Pero para kay Kiann… siya ang bagong obsession. Palaban. Matigas ang ulo. Walang takot. At dahil doon, mas lalo siyang naging delikado… at imposibleng pakawalan. Pero habang sinusubukan ni Crystal na lumaban, unti-unti rin siyang nahuhulog sa taong dapat niyang katakutan. Hanggang sa madiskubre niya ang isang lihim na kayang gibain ang lahat. As power games turn into twisted trust, and resistance melts into something far more terrifying-desire-Crystal must decide: Can you love the man who ruined your life? Or will the truth destroy them both before she gets the chance?

view more

Kabanata 1

The Witness

Crystal's Pov

"Talaga ba, Ethan?"

Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. My heart was pounding wildly.

"We need to grow up." Sinabi niya habang hindi makatingin sa akin.

"Wow, so you matured huh?"

"Crystal, we need to grow apart, ayoko ng distraction. My career is rising, I couldn't take a risk." He replied coldly.

Napaawang ang aking bibig.

Ethan and I had been together for almost 5 years. Sa loob ng limang taon na iyon ay ginugol ko ang buhay sa kanya. Siya ang naging mundo ko.

Matalino naman ako. Pero nagiging tanga ako pagdating sa kanya.

He was not the best boyfriend but...he was fine.

At sa loob ng limang taon na iyon. I never existed in the eyes of his fans.

Pero masaya ako kasi alam kong mahal niya ako.

"Then what was I to you? A distraction, a mistake?"

Napahilamos ako ng aking mukha while trying to connect everything he said.

"I-I," I bit my lower lip. "I am fine being your secret lover, Ethan. Disguise myself as your nanny, avoided crowds just so your fans wouldn't know you had a girlfriend. At ngayon sasabihin mo sa akin we should break up?"

"This is for us." He tried to reached my hand pero hinampas ko iyon.

"Bullshit!" I shut my eyes habang nanginginig ang aking mga labi. "This is for you! Sa'yo lang Ethan!" I snapped.

"Look," he sighed heavily. Hinuli niya ang mga kamay ko bago tumingin sa mga mata ko. "I promise you babe, kapag naging maayos ang lahat. I'll definitely go with you...I just need to play along with this."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I couldn't believe it.

The relationship we built had ended just because of his career.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. He placed some strands of my hair sa likod ng aking tenga saka siya nagsalita.

"I promise Crystal, when everything's fine." He whispered softly.

And I believe on it.

***

It was been a week since the break-up happened.

I missed Ethan already. His warmth, his kisses—his voice that once made me feel safe.

Nanonood kasi ako ng some of his interviews with his love team.

I looked away when they almost kissed one of their interview.

My first clenched beneath the blanket.

Sinara ko ang laptop dahil nasasaktan lang ako sa aking nakikita.

Huminga ako ng malalim at napagpasyahan na pumunta sa condo ni Ethan.

I missed him.

Just this once and I would never disturb him.

Nag-ayos ako ng aking mukha just like the old times and look at myself sa mirror tapos ay mabilis na pumara ng taxi.

Nakilala ako ng guard kaya pinapasok na niya agad ako.

Kabado ako habang papunta sa kanyang condo. Bawat pagyapak ko ay rinig na rinig sa buong hallway.

I was hoping that his friends wouldn't be there.

Gusto ko lang muling mayakap siya kahit sa huling pagkakataon.

Nang nasa harap na ako ng pintuan ay nagtipa ako ng password. It was still his birthday kaya bumukas ito.

Walang tao. Makalat. Parang binagyo.

Napailing ako.

Hindi ba siya kumuha ng maglilinis dito?

Nasanay atang ako ang naglilinis. Napangiti na lang ako dahil iniisip niya pa rin marahil ako.

"Ethan," I called his name. Pero wala namang sumasagot.

Pinagmasdan ko muli ang kalat.

Lilinisin ko na lang siguro pero baka nasa kwarto siya kaya puntahan ko na lang.

Just as I almost approached his room. My pulse in my neck hammered. Naninikip rin ang dibdib ko lalo na noong nakita kong may ibang kapares ng tsinelas sa labas ng kwarto.

Mali itong iniisip ko.

Pero habang papalapit ako ay parang may naririnig akong ungol.

"Ohh, Ethan." Halinghing ng babae.

Mas lalo lamang lumakas ang kabog ng aking dibdib.

Hindi naman ako bobo. Pero ewan ko ba sa sarili ko.

I should had run. Pero nandito ako sa tapat ng pinto.

Pinihit ko ang doorknob and my hands went to my mouth to what I had witnessed.

Jessica—Ethan's manager was riding Ethan na nakatingala pa sa ceiling habang nakanganga.

"So tight, babe." Ethan moaned.

Napaatras ako. The door made a noise. They both turned to me.

Ethan look stunned.

The woman kept grinding while grinning at me.

"So this what the ' grow up', hmm?" Hindi nakatakas sa aking boses ang pagkasarcastic.

Tinulak siya ni Ethan pero mabilis na akong umalis doon. I heard him calling my name but I didn't dare to looked back.

Naninikip ang dibdib ko.

Their images together kept on replaying in my mind. Tears started to roll down my cheeks. Parang bangungot na ayaw akong bitawan.

Hanggang makalabas ako ng building ay hindi mapigil ang aking mga luha.

My vision went blurry. And I didn't know where I was.

I wipe my tears. Gumapang ang kaba sa aking sistema when I realized I wasn't going to the right direction.

This wasn't the way.

I looked around and saw no one.

Not even a single person.

Shit!

I pulled out my phone sa aking bag.

"Walang signal?" Hiyaw ko. I tried to reach for signal ngunit wala kahit isa.

No service.

"Shit!" Bulong ko sa aking sarili, bigong-bigo.

Malapit ng dumilim at mukhang babagsak pa ang ulan.

Kailangan kong sumilong.

I was biting my lips hard hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo.

Napabuntong-hininga ako at nagdesisyong magpatuloy na lang sa paglalakad. Baka sakaling may makita naman akong tao na pwedeng hingan ng tulong.

Pero bago pa ako makagalaw, isang itim na limousine ang biglang huminto sa harap ko.

Napakunot ang noo ko. Sinubukan kong silipin kung sino ang nasa loob, pero tinted ang windows. Hindi ko makita kung sino ang sakay.

May bumulong sa akin na tumakbo na ako. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

And I know someone was watching me. I could feel it. Nilapitan ko ito pero bigla na lamang itong umalis.

But...why did it familiar? My gut twisted like I'd seen the car before...with Dad? Or Ethan?

Dapat ay binalewala ko na lang sana.

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko—sinundan ko ang sasakyan.

Baka...maabutan akong hingan ng tulong.

Pumasok ito sa mas makitid at madilim na daan.

At sinundan ko rin.

Ang daan ay nauwi sa isang masukal na lugar. Malakas ang ihip ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko, pero hindi ako tumigil sa paglalakad.

Sa unahan, may mahina akong nakita na ilaw.

Isang warehouse.

At sa harap nito—nakatigil ang parehong luxury limousine.

Napahinto ako nang may biglang pumutok.

Tumigil ang mundo ko.

Ano 'yon?

Hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko.

Pero mas nanaig ang kuryosidad. Pinilit kong lumapit hanggang sa may makita akong maliit na bintana sa gilid ng gusali.

Yumuko ako at sumilip sa siwang sa pader.

"You'll pay for everything, Franco."

Napasinghap ako at mabilis na tinakpan ang bibig ko.

Nakatali siya sa isang kahoy na upuan, basang-basa sa dugo. Dalawang lalaking may hawak na baril ang nakatayo sa tabi niya. Wala kang makikitang awa sa mga mata nila. Matitigas ang mga mukha, at pulido ang pagkakatayo—mga sanay sa patayan.

At sa harap nila ay isang lalaki.

'Yung presensya niya...malamig. Malupit.

Nanlambot ang tuhod ko.

I should have walked away. Ignored what I see.

Pero bago pa ako makagalaw, lumingon 'yung lalaking may malupit na titig.

At nagtama ang mga mata namin.

Umiling ako, nanginginig na sa takot at pagsisisi.

Umatras ako, muntik ng madapa. Pero kahit papaano, napilitan ang mga binti kong tumakbo.

"Run."

Narinig ko ang boses niya—matigas, malamig, at sigurado.

Hindi siya nagbabanta. Isa 'yong pangako.

Dahil kahit tumakbo ako...

Aabutan pa rin niya ako.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
EmotionlessMissK
Love it! Highly recommended!
2025-07-22 11:08:08
1
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status