Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya