/ Romance / The Billionaire's Backup Plan / Chapter 16: Alexus' Rules

공유

Chapter 16: Alexus' Rules

작가: purplepink
last update 최신 업데이트: 2025-09-30 11:32:10

Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.

Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.

“Good morning, Miss Aelice.”

“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.

“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.

Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 16: Alexus' Rules

    Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 15: The Real Aelice

    “AG, na-send ko na pala sa email mo ‘yong file na hinihingi mo sa’kin kahapon,” sabi ni Monique, nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa monitor.Ni-log in ko ang account ko sa Gmail at hinanap ang sinend ni Monique. Akmang iki-click ko na sana iyon nang biglang mag-pop up ang isa pang email. Walang nakalagay na subject sa email. At higit sa lahat walang sender name. Hindi kaya scammer ‘to tapos ang target ay ang ALera? Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ‘yong email. Gusto kong makatiyak.After many seconds of thinking, inopen ko ‘yong email. Napalunok ako nang wala sa oras at ayaw bumuka ng bibig ko. As if, nakakita ako ng multo.You're not me. Stop pretending.Tumigil talaga ang mundo ko sa nabasa. Wala talagang subject line. Walang sender name. Pero malinaw ang mensahe na natanggap ko. Parang binibigyan ako ng isang babala. Isang akusasyon na maging ang sarili ko ay sang-ayon sa sinabi ng sender. Nagpapanggap nga akong ibang tao.Hindi ako gumalaw. Parang may malam

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 14: A Luxury Trap

    Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Alexus ay nagpaalam akong umuwi nang maaga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula nang pumasok ako ng boardroom. ‘Yong pressure na naramdaman ko kanina ay dala-dala ko nang lumabas ako ng room na iyon. At hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan. Parang nasu-suffocate ako sa lugar na kinaroroonan ko. Might as well leave this place for a while.Paglabas ko ng elevator, may receptionist na kaagad na lumapit sa akin. Medyo nagulat pa ako ng kaunti pero hindi ko na lang pinahalata. May hawak siyang isang bagay na kaagad kong napansin.“Miss Aelice, may pinabibigay po si Mr. Alexus para sa inyo,” sabi nito at inabot sa’kin ang bagay na kanina ko pa napansin.Hindi kaagad ako nakapagsagot. Hindi dahil sa nagulat ako kun’di naririnig ko ang echo ng salitang Miss Aelice sa tenga ko. Tinanggap ko ang maliit na envelope na gawa sa gold foil. May naka-embosed na initials dito. It’s A.G. Basically, it’s for her, not for me.Pagbukas ko ng envelope

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 13: Boardroom Echoes

    “Miss Aelice, we’re ready for you.”Tumayo ako habang pilit na tinutuwid ang likod kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa first time ko mag-present sa harap ng mga important people ng ALera. Sa pagkakaalam kasi nila ako si Aelice at hindi ibang tao. Kaya batid kong malaki ang expectation nila sa meeting ngayon.Ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig ay parang martilyo sa dibdib. Pakiramdam ko may pumupukpok din dito. You need to relax, Elize. Hindi dapat nila mapansin na hindi ako confident sa gagawin ko. Malaki ang expectation nila, lalong-lalo na si Alexus na narito rin sa boardroom.Lahat ng mata ay nakatutok sa’kin na parang sinusuri ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mga investors, board members, at analysts na present ngayon ay mga taong kilala si Aelice. Hindi si Elize. Hindi ako. Kaya doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi maganda ang kalalabasan ng meeting na ‘to? Mapapahiya si Alexus ‘pag nangyari iyon. At mas lalong

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 12: The Backup Plan Begins

    “Congratulations,” bati ni Alexus, habang nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Nakasuot ngayon ng black suit ang magaling kong boss, pero naka-half smirk siya sa’kin na parang nang-aasar. Paano ba naman bigla akong na-promote ng wala manlang ginagawa so far. Wala pa nga akong one month sa ALera ay tumaas kaagad ang posisyon ko. Ganito ba katanga si Alexus kay Aelice?“AG, in my office.”Tinalikuran na niya ako at lumabas ng opisina, kaya dinampot ko ang phone ko at nagmadaling sumunod sa kaniya. Mainipin pa naman siya. Baka umepal na naman ang mood swings niya at imbes promotion ang mangyari ay demotion ang ibibigay niya. Ayoko pa naman maging janitor. Pang-secretarial kaya ‘tong skills ko.Narating ko ang office niya nang ilang minuto lang dahil binilisan ko talaga ang paglakad. Naabutan ko siyang nakaupo na sa swivel chair at nilalaro ang sign pen sa table. Napalunok ako ng wala sa oras dahil iba ang kabang ibinibigay niya sa’kin. ‘Yong tipo na pinapagalitan ako ng strict

  • The Billionaire's Backup Plan   Chapter 11: The Ghost She Never Met

    Tahimik na ang buong opisina. Siguro nga ay nag-iisa na lang ako rito sa building, maliban sa security guard na nasa lobby. Sa tantiya ko ay alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na inabot ako ng ganitong oras sa opisina na mag-isa lang dito sa part na ‘to ng ALera. Siguro nga ay wala rin dito si Alexus dahil hindi ko pa siya nakikita kanina pa at hindi pa siya bumabalik sa office niya.Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, hawak ang files na may pangalan ni Aelice. I know simpleng information lang ang nasa loob nito. But the fact that I discovered the truth about her missing is the thing that I couldn’t swallowed. May ginagawa kayang hakbang si Alexus para mailigtas siya? Siguro naman, oo. Kasi fiancee niya ang kinuha sa kaniya imbes na ang kumpanya. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na babagsak ang future ng ALera sa kamay ng iba. Alam na kaya niya kung sino ang traidor sa kumpanyang ito?Tiningan ko ang sarili, pero ang nakita ko ay hindi ako. Hindi si Elize. Hindi rin si Aeli

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status