Christine's POV Tatlong araw na ang makalipas simula ng sinaktan ako ni Celine sa harap ni Jake. Sa tatlong araw na iyun naging tahimik ako, at pinabayaan ko sila sa kahit anong gustong gawin nila.Kapag pumupunta si Celine dito hindi na ako bumababa, pasimple nalang akong dinadalhan ni manang ng pagkain para hindi niya ako makita. Nakakatawa lang isipin na ako ang asawa pero ako ang nagtatago. Umikot ang mundo ko sa loob ng tatlong araw, na kwrto lang ang nakikita ko. Hindi sa takot akong magtagpo ulit kami ni Celine kundi dahil ayokong maulit ang nangyari. Natatakot ako para sa anak ko kaya't hanggang maari ,ako nalang ang iiwas para wala ng gulo. Alas singko na ng hapun, pero andito pa rin ako nakahiga.Tunog ng pag andar ng sasakyan ang nakakuha ng atensyon ko.Tumayo at sinilip ko ito sa bintana. Nakita kong sasakyan iyun ni Jake. Tumawa ako ng pagak habang iniisip na siguro may date naman ang mga iyun kasi ang aga nilang umalis. Mabilis ang galaw ko para pumunta sa aking closet
Last Updated : 2025-08-13 Read more