Christine' s POV Nabigla ako sa tanong nito kaya matagal bago makahuma ang utak ko. " Ano po?" Ulit na tanong ko. " Iha wag mo sanang masamain ha? Alam Kong mali na maki alam at maki usisa ako sa namamagitan sa inyong dalawa, gusto ko lang malaman dahil parang halos hangin nalang kayo sa isa't isa, hindi kayo nagpapansinan" Paliwanag na sabi nito. Tikum ang bibig ko sa tanong nito, siguro napansin niya ang katahimikan ko kaya lumapit ito sa tabi ko. " iha, pasensya kana ha? hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko, naiintindihan kita " Malumanay na saad nito. Salamat naman at hindi ako nito pinilit pa na sumagot sa tanong niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginawa ko. Pagkatapos Kong hiwain ang mga gulay, bumaling ako Kay manang para ipaalam na tapos ko na ang ginagawa ko kaso wala na ito sa harapan ng kalan. Sa halip na si manang ang makita ko, bumungad sa pinto ang isang magandang babae na sobrang ganda at sexy para itong Italian model sa sobrang tangkad nito. Kung
Last Updated : 2025-08-08 Read more