CHAPTER 11ARIA’S POVNAGTATAKA AKO kung bakit pa nagpaparamdam si Dave sa akin. Well, sino ba naman ang hindi kung ako ang sumira sa kaniyang buhay ngayon. Aria: Hindi ako puwede, eh. Nasa malayong lugar ako, Dave. Sa susunod na lang. Napabuntonghininga na lamang ako. Kahit gusto kong makita si Dave para makahingi sa kaniya ng kapatawaran ay alam kong bawal ako ngayon. Dave: Namiss lang kita, Aria. Mas lalo akong bumuga ng napakalalim na hininga. Bigla kong naalala ang aming mga kagagawan noong kami pa. Napangiti na lang ako kahit papaano. Aria: Hindi puwede, Dave. I think, this is our last goodbye. Sana maging masaya ka na. Sorry kung ako pa ang naging dahilan ng lahat nang ito. Sana ay hindi na lang kita inakit. Salamat sa memories nating dalawa. Pagkatapos kong i-send iyon ay tumulo rin agad ang aking mga luha. I’m a bad woman. Nagsisisi rin naman ako sa mga ginagawa ko. Kung hindi rin naman kasi dahil sa akin ay wala kaming relasyon ni Dave
Last Updated : 2025-08-09 Read more