CHAPTER 1Aria’s POV“Umalis ka dito, Aria! Isa kang iskandalusang babae!” sigaw ni Tita Martina sa ‘kin. Galit na galit siya at kanina lang niya ako sinampal ng sobrang lakas. Kahit anong pagdi-deny ko sa kanya, hindi talaga siya naniniwala. “Akala ko pa naman nag-aaral ka ng mabuti. Ano na lang kaya ang masasabi ng ama mo kung buhay pa siya?!” giit pa niya. “Oh God, you are getting into my nerve!”Kumunot naman ang noo ko. Isa rin ito sa pinakaayaw ko, eh. Sinasali niya si papa kahit patay na siya. Para lang naman kasi magmukha siyang mabuting ina sa ‘kin. Kahit ang totoo ay abusadang babae siya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako at ipahiya sa ibang tao, lalo na sa mga kaibigan niyang mga social climber. “Hindi nga totoo ang mga narinig mo!” pagsisinungaling ko. Ngunit lumapit siya sa ‘kin. Lumipad na naman sa ere ang malapad niyang kamay at sinampal ako. “You can’t fool me with those lies, Aria. Bistado ka na. Nakipagrelasyon ka sa professor mo sa math!” sing
Last Updated : 2025-07-23 Read more