Kabanata 30NANENG POINT OF VIEW"Ate Naneng, gising na. Hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?""Hindi. Ivan, ikaw na lang muna ang magluluto ng almusal ninyo, ha? Matutulog lang muna ako.""Sige, Ate 'Neng. Pahinga ka na muna diyan."Sumampa ulit ako sa kama pagkatapos isarado ni Ivan ang pintuan ng aking kwarto. Tamad akong kumilos ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Kagabe, naabutan ako ng ulan habang naglalakad pauwi sa bahay—galing sa mall. Kaya ito ang resulta, mabinat ang katawan, masama ang pakiramdam. In short, trangkaso."Ate 'Neng, nag sopas ako—kainin mo 'yan, ha? Saka may gamot na rin diyan.""Uhm! Salamat, Ivan.""Sige, ate 'Neng."Mabuti na lang nandiyan ang kapatid kong si Ivan. Bukod sa mapagkatiwalaan mo sa loob ng bahay, matalino din ang kapatid kong iyan. Grade 10, honor student.Kalahating araw na akong nakalubog sa aking kama. Pagising ko ulit, may pagkain na naman na inilagay si Ivan sa study table ko. Alas-dos ng hapon, maulan ang panahon.Bumangon ako't d
Last Updated : 2025-08-18 Read more