Bahagyang humigpit ang panga ni Theo sa tanong ni Don Leandro. Kung hindi niya nakita ang pangalan nito sa cellphone ng nahuling kidnapper, baka inakala niyang tunay ang pag-aalalang nakaukit sa mukha ng matanda.“Wala pa po kaming matibay na ebidensiya,” maingat na sagot ni Fiona. “Patuloy pa ang imbestigasyon.”“Sana mahuli agad ang may kagagawan nito. Kawawa naman ang bata.”“Lolo ko rin po ba kayo?” tanong ni Nate habang hawak ang laruan.“Oo, apo. Kapatid ako ni Don Lorenzo.”“Salamat po, Lolo.”“You’re welcome, apo. Mauna na ako,” sabi ni Don Leandro. “Tumawag lang kayo kung may maitutulong ako.”Nang makalabas ito, agad na kinuha ni Theo ang cellphone. Nasa kotse sina Damon at Felicity, naghihintay ng balita mula sa mga pulis.“Sundan ninyo si Don Leandro,” utos niya. “Huwag kayong magpapahalata. Tawagan ninyo ako kapag may kakaiba.”“Leave it to us,” sagot ni Damon.Nanatili si Fiona sa tabi ni Nate habang nakipag-ugnayan si Theo sa imbestigador. Hindi pa sapat ang ebidensiya
Huling Na-update : 2026-07-26 Magbasa pa