“Pero ibang usapan ang apo ko. May dugo siyang Alarcon,” sabi ni Don Alexander.Humigpit ang hawak ni Fiona sa kaniyang mga daliri.“At mula ngayon,” dagdag nito, “hindi mo na siya pwedeng ilayo sa amin.”“Hindi ko po ilalayo sa inyo si Nate,” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi rin po ako papayag na kunin ninyo siya sa akin.”Bahagyang tumalim ang mga mata ng matanda.“Hindi ko kukunin ang bata sa’yo. Gusto ko lamang mabawi ang panahong nawala sa amin.”“Pa, huwag po ninyong takutin si Fiona.”Sabay silang napalingon.Nakatayo si Theo sa pintuang patungo sa hardin. Hindi niya alam kung gaano katagal itong nakikinig, ngunit malinaw ang pagtatanggol sa tono nito.Lumapit ito at tumayo sa tabi niya.“Si Fiona ang nagpalaki kay Nate nang mag-isa,” patuloy nito. “Nagkamali siya sa pagtatago sa akin ng anak namin, pero hindi ibig sabihin no’n na maaari nating kalimutan ang lahat ng isinakripisyo niya.”“Theo—” mahinang tawag ni Fiona.Hindi nito inalis ang tingin sa ama.“Kung gusto ninyong
Read more