Lalong lumakas ang hiyawan ng mga bisita habang itinataas ni Damon ang garter mula sa paa ni Felicity hanggang sa bukong-bukong niya.“Higher! Higher!”Nagdilim ang mukha ni Felicity, ngunit pinanatili niya ang ngiti para sa mga kamerang nakatutok sa kanila. Dahil sa ingay at kantiyawan, bahagyang dumukwang si Damon. Halos dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi.“Kahit ikaw pa ang huling babae sa mundo, I won’t marry you,” bulong nito. “Kaya kung may gusto ka sa akin, forget it, okay?”Napakakapal talaga ng mukha ng lalaking ito!Kahit gusto niya itong itulak palayo, lalo lamang pinalapad ni Felicity ang kanyang ngiti.“Baliw ka ba?” pabulong niyang sagot. “Wala akong gusto sa iyo, demonyo ka! Hindi kita type. “Hindi ka na nga pogi, napakayabang mo pa!” aniya upang makaganti sa pang-iinsulto nito.Tumayo si Damon na tila walang epekto rito ang sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang alalayan siyang tumayo, ngunit hindi niya iyon tinanggap. Kusa siyang tumayo at inayos ang kanyang d
Read more