Sandaling tinitigan ni Don Lorenzo ang baso na para bang iyon na lamang ang natitirang bagay na kaya niyang kontrolin. Pagkatapos ay ipinatong niya ang dalawang kamay sa sofa at pilit na tumayo.Ngunit sa unang hakbang pa lamang ay bahagya itong nawalan ng balanse.“Careful po, Lolo.”Mabilis na hinawakan ni Nate ang kamay nito.Napahinto si Don Lorenzo.Napako ang tingin nito sa maliit na kamay na mahigpit na nakahawak sa kaniya. Napakaliit ni Nate kumpara rito, ngunit sa sandaling iyon, tila ang bata ang pumipigil sa kaniya upang hindi tuluyang bumagsak.“Hintayin mo ako, apo,” paos niyang sabi. “Maliligo lang ako.”Agad lumiwanag ang mukha ni Nate.“Opo. Sabay po tayong kakain.”Hindi sumagot ang matanda.Habang hinihintay nila ang ama, narinig ni Fiona ang mahinang yabag mula sa itaas.Paglingon niya, nakita niyang pababa sa hagdan si Donya Priscilla.Napatigil siya.Wala ang mamahaling alahas na palagi nitong suot. Simple lamang ang damit nito at nakalugay ang buhok na halatang hi
続きを読む