Hindi inalis ni Damon ang tingin sa larawan.“Julian,” tawag nito nang muling ilapit ang cellphone sa tenga. “Kunin ninyo ang footage mula sa lahat ng traffic camera sa kasunod na mga kanto.”“Ginagawa na ng team,” sagot ni Julian.“Ipa-trace ninyo ang sasakyan. Gusto kong malaman kung saan dumaan, kung saan huminto, at kung sino ang nagmamaneho.”“May nakita kaming partial plate number. Hahanapin namin ang ibang anggulo para makumpleto.”“Bilisan ninyo. Tawagan mo ako kapag may nakuha kayo.”Tinapos ni Damon ang tawag, ngunit hindi nito ibinaba ang cellphone. Pinalaki nitong muli ang larawan ng babae at pinagmasdan ang kuwintas na may palawit na letrang D.Ilang minuto lamang ang nakalipas, halos magtagpo na ang mga labi nila. Mainit pa sa pisngi ni Felicity ang dampi ng palad nito. Ngayon, tila tuluyan nang naglaho ang sandaling iyon.Nakatayo si Damon sa harap niya, ngunit nasa babaeng nakikita sa screen ang buong atensiyon nito.“Sigurado kang siya iyon?” tanong ni Felicity.“Ang
Read more