Ceelin"You're back," salubong sa akin ni Phil pagpasok ko sa loob ng bahay. Muntik ko na siyang maitulak nang bigla niya akong halikan sa pisngi at pinagsalikop ang aming palad. "Nandito ang family ko," pasimpleng bulong nito sa akin.Kaya naman pala abnormal ang kilos nito. Nasa sala pala ang pamilya nito at nakatingin sa amin. "Hello, Mom. Dad," bati ko sa aking mga in-laws. " I'm sorry. Kung alam ko lang na binisita kayo ngayon ay maaga sana akong umuwi," agad kong paumanhin."It's okay, Ceelin. Biglaan din naman ang pagpunta namin dito," magiliw na sagot sa akin ng father-in-law ko samantalang nakasimangot naman sa akin ang mother-in-law ko at si Paula."Saan ka nanggaling? Hindi kaya nakikipagkita ka sa ibang lalaki kapag lumalabas ka ng bahay?" prangkang tanong sa akin ng ina ni Phil. Gusto ko sana siyang barahin ngunit nanahimik na lang ako. Ayokong magpakita ng hindi magandang ugali sa harapan ng ama ni Phil."Mom! Watch your words! Ceelin is my wife. You should respect her
Last Updated : 2025-08-22 Read more