Ceelin "Oh my God! I'm sorry, Phil. I didn't mean to hit you." Biglang napalapit di Jessa kay Phil at humawak sa braso nito. Malakas na ipinagpag ni Phil ang kamay ni Jessa at sinakal ito sa harapan ko. "Inuubos mo ang pasensiya ko sa'yo, Jessa. I already warned you not to mess with my wife pero hindi mo ako pinapakinggan." Nakanganga ang bibig ni Jessa at hirap na hirap itong makahinga. Mahigpit kasi ang pagkakasakal ni Phil sa leeg nito. "Let her go, Kuya! Sinasaktan mo siya," awat ni Paula sa nakatatandang kapatid. Hinawakan nito ang kamay ni Phil at pilit na inaalis sa leeg ni Jessa. Ngunit parang nakadikit na dikya sa leeg ni Jessa ang kamay ni Phil at hindi iyon kayang alisin ni Paula. "Are you going to kill her for that woman, Brother?" "Let her go, Phil," I pleaded with him. Nag-aalala kasi ako na baka mapatay nito si Jessa kapag hindi pa nito pinakawalan ang leeg ng babae. Marahas na binitiwan ni Phil si Jessa. Natumba sa sahig ang babae at mabilis naman itong di
Terakhir Diperbarui : 2025-08-19 Baca selengkapnya