"Aljur, kung ano ang nararamdaman mo ngayon naramdaman ko na rin 'yan noon. Pero hindi sa babae kundi sa isang matalik kong kaibigan na 'yong ama." Bigla akong natahimik, malungkot akong napatingin sa kaniya. "Aljur, oo mahirap nga, masakit, sobrang sakit na mawalan ng taong minamahal. Pero ginawa ko pa rin ang lahat para tanggapin. Para maging positive. Dahil, may pangako ako sa 'yong ama na hindi kita iiwanan, na hindi mo maramdaman na wala kang ama. Kaya pinili kong manatili sa tabi mo. Mas pinili kong kalimutan ang lahat at mabuhay ng panibago kasama ka, kasama ang anak ng kaibigan ko. Alam mo Aljur, hindi ka makakalaya sa kalungkutan at pagsisisi kung hindi mo tatanggapin ang nangyari. Tama, mahirap nga gawin, pero kailangan. Dahil, alam mo sa sarili mo. Na kahit na kailan ayaw ni Faye na maging malungkot ka nang ganyan." Kung ganun, nanatili si Pepito sa akin ng ganito katagal. Dahil, ginawa niyang maging ama para sa akin. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya bumuo ng s
Last Updated : 2025-12-15 Read more