Hindi ako mapakali dito sa loob ng kwarto ko. Mabuti pa siguro kung magtungo ako sa ibaba noh? Para pagmasdan siya magluto?? Ayy hindi, dapat magtungo ako sa ibaba para makatulong. Mabuti pa nga na ganito ang gawin ko noh! Duh! Self, umayos ka! Inlove ka lang ehh nagkakaganyan ka na. --- Akmang tatayo na sana ako. Subalit, bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Kaya naman, muli akong napa-upo sabay hawak sa tiyan ko. Wala naman akong masyadong ginawa ngayon, kaya bakit ang hapdi? "Baby, ayos ka lang diyan 'di ba? Huwag ka masyadong malikot diyan. Hehe, pakabait ka lang diyan anak ko. Mahal na mahal ka ni mama," paglalambing kong kinakausap ang tiyan ko. Upang patahanin ang sakit nito. Aljur, please, bilisan mo diyan sa ibaba, ang hapdi ng tiyan ko. Baka mapano pa ang anak natin. Medyo, nahihirapan din akong huminga. Woh! Kailangan kong ikalma ang katawan ko. Enhale, exhale, enhale, exhale. Ilang saglit pa, pakiramdam ko ang kati ng katawan ko. Tapos, mas lalong humihigpit ang
Last Updated : 2025-10-01 Read more