Naya DiazMagkahalong kaba at pag-aalala ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung may dapat ba akong gawin habang nakatutok sa akin ang hawak na baril ni Ellisa.Sa pagbukas ng pinto ay iniluwa niyon sina Xavier at Ares. Namilog ang kanilang mga mata na tila ba gulat sa nasaksihan nila sa mga sandaling iyon. Sa kabilang banda naman ay nananatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatuon lamang ang tingin ko sa kanila."Hi, Xavier," bati ni Ellisa at mas lalo pang idiniin ang baril sa ulo ko. "It's good to see you here. Anong ginagawa mo rito? Did you come to see your dear girlfriend die?"Ngumisi siya at hindi kalaunan ay humagalpak ng tawa."Actually, we were just talking a while ago," pagpapatuloy niya. "Pero dahil may hindi kami napagkaintindihan, humantong kami sa tutukan ng baril. I don't want us to end up this way, pero ayaw niyang sumunod sa gusto ko."Of course, I wouldn't!Kahit kailan ay hindi ako papayag na map
최신 업데이트 : 2026-03-17 더 보기