Naya DiazNatapos nang masaya at maayos ang kasal nina Theo at Samantha. But right before it actually ended, nagpaalam na naman sa akin si Xavier. Hindi lang siya kundi pati na rin sina Mattias, Yven at si Jasmine.Tanging ako lang, sina Mom Celine, Lola Erlita at Ares ang naiwan doon sa table namin. Nakakapagtaka nga dahil palaging sinasamahan ni Ares si Xavier, pero ngayon nagpaiwan siya at minabuting manatili na lamang kasama namin."Naya, anak," anas ni Mom Celine at lumapit sa akin. "Mauuna na kami. Meron pa kasi kaming importanteng pupuntahan. Nabanggit naman namin sa 'yo kahapon, hindi ba?"Tumango ako. "There's nothing to worry about, Mom. Kaya ko na ho ang sarili ko. Kung wala pa ho si Xavier, nandito naman si Ares para samahan ako.""Yes, Senyora Celine," sagot ni Ares na ikinabaling namin sa kanya. "Trabaho ko ho ang bantayan si Ms. Naya dahil 'yon ho ang utos ni Mr. CEO."Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang mataman kaming pinagmamasdan na dalawa.
Magbasa pa