Xavier Iglesias"Come on, Jasmine. You are perfect for the job," kalmado kong anas. "I don't think there's anyone more qualified than you. Isa pa, sino ang gusto mong ilagay ko bilang CEO? Si Yven? Hindi pa siya handa sa ganong responsibilidad.""And you think I am?" kunot-noo niyang tugon. "Sa tingin mo ba, ginusto ko ang trabahong meron ako sa kompanya? Kung hindi dahil kay Lola Erlita, nandoon ako ngayon sa ibang bansa."Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa refrigerator. Kumuha siya ng kanyang maiinom at kalaunan ay nilaklak iyon na tila ba uhaw na uhaw.Bago pa man ako magsalita, pagak siyang natawa kasunod niyon ay pabagsak niyang inilapag ang hawak niyang bote sa counter."I know nothing about business," mahinahon niyang sambit at umupo sa high stool. "Anong plano ninyong gawin? Ibigay ang responsibilidad sa isang katulad ko na palpak palagi ang trabaho?"Hindi ako sumagot sa tanong niyang iyon.Nagpasya kong ihinto ang ginagawa ko kasunod niyon ay hinarap ko siya."Tulad
Read more