"Let me drive us home," paanyaya ni Lluna nang makarating sila sa Batangas, partikular sa resort nina Eve. "I can drive myself home, Lluna," malamig na sagot ni Calli, at maagap na naunang maglakad palayo. Tila hindi alintana ng dalawa na may iba pa silang kasamang nakamasid sa paligid. Nagmistulang silang dalawa lang ang may-ari ng mundo, at sa kanila lang ito umiikot. That nothing else matters anymore. "No. I'll drive," pagpilit ni Lluna habang hinahabol ang mga hakbang ni Calli. Bago pa makapalag ang dalaga, mabilis niyang hinablot ang bag na dala nito. "Sinabi nang kaya ko, eh!" kasabay ng marahas niyang paglingon kay Lluna. Magkagalit na naman ang mga kilay niya sa tindi ng inis. "Pagod ka sa biyahe. Ako nang bahala rito. Don't be stubborn as always, Calli," seryosong sagot ni Lluna, at siya na ang naunang maglakad patungo sa kotse nito. Inis at sobrang bibigat ng naging bawat hakbang ni Calli pasunod sa likod ni Lluna. Hindi na niya talaga mapigilan ang pagsabog ng emosyon
Read more