Napalunok naman ako dahil sa tindi ng tama ko sa binitawan ni Calli. Totoong-totoo ang paratang niya, and I have to admit na nagkamali talaga ako sa part na 'yun. "Sorry, manager, pero mauuna na ako. May lakad pa kasi ako," paalam ni Calli. Tumayo siya, at pinagmasdan ko lang siya habang umaalis. Gustong-gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko naman magawa. I felt so helpless, and at the same time, naiinis ako sa sarili ko. I'm a total jerk sa part na 'yun. "C-Calli..." Napatayo ako bigla at sinubukang hawakan siya sa braso, pero sobrang huli na. Tuluyan na siyang nakalabas ng dining area. "What did you do this time?" tanong ng kaibigan ko. Bahagya ring seryoso ang boses niya, at alam kong nag-aalala siya para sa akin. After ng lahat ng nangyari sa amin ni Junica noon, naging overprotective na siya sa akin. I can't blame him, though. Saksi siya kung paanong gumuho ang mundo ko at kung paano ako tuluyang nawasak. He really stood by me and helped me get through the harshest stor
Read more