"Hi!" bati ng lalaking mabilis na tumayo nang huminto kami sa mismong harapan ng table niya. "Lenard," sambit naman ni Lluna. Binalot niya ng isang malamig at tila blankong tingin ang lalaki, na para bang sinasabihan ito sa pamamagitan ng mga mata niya na wala itong mapapala sa kanya kapag sumobra ang galaw nito. "This is Calli..." pakilala ni Lluna, dahan-dahang bumaling sa akin. "And this is Lenard." Binalik naman niya ang tingin sa kausap. "Hi, Calli. I'm Lenard. Nice to meet you," simpleng pagpapakilala nito. Ngumiti siya sa akin, pero halatang may bahid ng hiya at kaunting ailang. Marahil dahil isang complete stranger ang kaharap niya, at idagdag mo pa ang tindi ng totoong rason sa likod ng biglaan naming meet-up ngayon. "Hi," tanging naging ganti ko sa kanya. Sa totoo lang, nais ko na agad matapos ang katarantaduhang ito para makalayo na ako rito. Ginagawa ko lang naman ang bagay na 'to dahil kay Lluna. Ayaw kong isipin niya na mahina ako at apektado ako sa mga pinaggagawa ni
Read more