Panay ang naging pagsubok ni Calli na tawagan si Lluna, pero hindi pa rin ito sumasagot. Doon niya lang din napansin ang tambak na missed calls at messages sa kanya ni Lluna noong mga araw na wala siyang paramdam. Nag-aalala na siya nang husto, lalo na matapos sabihin ng manager nito na halos gabi-gabi ay laman ng bar si Lluna. Nilalamon siya ngayon ng matinding guilt, lalo pa at tila siya pa ang magiging dahilan para bumalik ang naging sakit ni Lluna noon—ang anxiety, depression, at ang matinding PTSD nito. Habang nagmamaneho, biglang pumasok sa isip ni Calli ang isang partikular na lugar na posibleng puntahan ng asawa kaya agad siyang nag-u-turn. Binilisan pa niya ang patakbo, pilit na hinahabol ang oras. Nakarating si Calli sa lugar hindi kalaunan. Pagkababa niya ng sasakyan, agad siyang nagtungo sa wooden bench kung saan sila unang pumuwesto noon. Hindi siya nagkamali dahil nakita niya nga si Lluna na mag-isang nakaupo roon. "Lluna," tawag niya mula sa likuran nito. "Please,
Read more