Bella's POV PINARADA ni Nicklaus ang kotse niya sa parking space ng Alfredo's isang classic Italian restaurant na nag seserve ng authentic italian dishes specially pasta and pizza.Mabilis na bumababa si Nicklaus at agad na umikot sa passenger seat para ipag bukas ako ng pinto. Inilahad nito ang mga kamay sa akin para alalayan akong bumaba. Nakangiti ko iyong inabot. Mag kahawak ang kamay na pumasok kame sa restaurant. Elegante at maganda ang loob ng restaurant, halatang mga elite lang ang kumakain doon. Dim ang ilaw at romantic ang ambience. Nilibot ko ang paningin saka lang napag tanto na masyadong alangan ang soot ko sa lugar. Pormal at class ang mga soot ng mga kumakain doon. Bahagya kong siniko si Nicklaus"Mukhang may dress code dito" bulong ko sakanya, naka jeans and tshirt lang ako kaya alangan, hindi katulad nito na naka long sleeve polo na itim, jeans at black leather
Last Updated : 2025-08-18 Read more