Bella's POV Kumatok muna si Bella ng tatlong beses bago marahang binuksan ang pintuan ng study room ng kanyang ama. Tahimik ang buong bahay, tila ba pati mga dingding ay marunong magbasa ng tensyon sa pagitan nilang mag-ama.Kanina pa siya nagtataka kung bakit siya pinatawag nito agad pagkauwi mula sa eskwelahan. Karaniwan ay kinakausap lang siya tuwing may kailangang iutos — at madalas, hindi iyon simpleng favor.“Dad…” mahinang tawag niya habang sumilip sa loob.Nakita niya ang kanyang ama, nakayuko sa binabasang papeles, seryoso ang mukha, kunot ang noo. Matapos ang ilang segundo, nag-angat ito ng tingin at bahagyang ngumiti, pero hindi iyon abot hanggang mata — pamilyar na peke, tulad ng mga nakasanayan niyang ngiti nito.“Sit down, Bella.” Mahinahon pero may awtoridad ang boses nito habang tinuturo ang upuang kaharap ng study table.Imbes na sumunod, umikot si Bella at naupo sa sofa sa sulok ng silid. Mas gusto niya ang distansya. Mula roon, mas malaya niyang masusuri ang bawat
Last Updated : 2025-07-27 Read more