'' Zimon pwede bang samahan mo ako sa mall '' napaisip pa si Zimon kung masasamahan ba niya si Sofia . '' ano gagawin mo doon ?" seryoso nitong tanong .Kahit nasa iisang bubong na sila ,magkahiwalay parin ang kanilang kwarto ,Hindi maintindihan ni Zimon kung bakit ganun ang gusto niyang set up .Kahit minsan inaakit siya ni Sofia pero nanatili paring malamig ang kanyang katawan tuwing nakikita ang katawan nito .Hindi gaya sa kanyang dating asawa na si Sophia.Nakikita palang niya ang katawan ng dati niyang asawa nag iinit na siya .Bigla niyang namiss si Sophia.'' may gusto lang ako bilhin ''mahina nitong saad .Mukhang palpak na naman ang kanyang plano . Kailangan nilang lumabas ngayong Christmas kasama siya para naman may iba bang makakita tungkol sa kanila .Pagod na siyang nakatago lang . '' ano yan at ipabili nalang natin '' medyo nakaramdam na siya ng katamaran . '' may nakita kasi akong gamit ng baby gusto ko itong bilhin '' nagtaka naman si Zimon at tumingin sa tyan ni Sofia
Huling Na-update : 2025-11-28 Magbasa pa