'' ito na pala ang mga pinagawa niyo boss '' kinuha ni Harison ang envelop na iniabot sa kanya ng kanyang kanang kamay na tauhan .Inutusan niya itong kumuha ng mga documento tungkol sa mga magulang ni Sophia. Kailangan niyang alamin kung bakit ang daming alam ni Angela tungkol sa pamily nito . Pagkabuklat sa mga dokumento laking gulat niya ng makita ang profile ni Sonny Alcantara. ''nagtrabaho sa kompan ang ama ni Sophia?" gulat niyang salita .Hindi siya makapaniwala na doon nga nagtrabaho ito . '' actually boss may kaso na nakasampa sa kanya na galing mismo sa kompanya niyo ,hindi basta basta ang ninakaw nito dahil daang million '' hindi siya naniniwala na totoong ninakaw nito .Kung totoo man na ganung pera ang nawala sa kanila bakit ngayon nagtatrabaho parin si Sophia at nalaman niyang sa ibang bansa pa ito nakipagsapalaran . ''gusto ko imbestigahan mo ang buhay nila noong naganap ang akusasyon na yan '' naniniwala siyang hindi magagawa ng ama ni Sophia ang bagay na iyon.
Last Updated : 2025-12-16 Read more