Nasa malapit sila ng beach ngayon para maghanda sa mga palaro ng organizer . Iilang grupo lang ang sumali at walo sa bwat team .Kanina pa naghihintay si Sophia para sa mga ka team nito . Mula sa malapit sa kanya naroon si Zimon nakalikot at hindi pa humaharap sa kanya . Lumapit si Stephen kay Sophia na kanina pa niya hinahanap dahil isa ito sa ka team niya sa larong magaganap . '' kamusta na ang mukha mo ?" tanong agad ni Sophia. '' ayos na ,,ang saya ko naman dahil ka team kita '' hindi niya din inaasahan .Na kay Fiona ang listahan ng mga ka team nila .Iniwan lang nito ang mga susuotin nila dahil may inutos siyang kunin sa taas . '' kaya nga ..nga pala ito ang isusuot nating mga t-shirt para sa team natin '' isa lang binigay niya pero humingi pa ng isa si Stephen dahil kasama nila sa team ang assistant nito .Binilang pa ni Sophia ang natira at apat nalang kaya paano niya mahahanap ang mga kasamaan nila sa team . Napatingin siya sa babaeng papunta sa kanilang kinaroroonan.
Last Updated : 2025-12-10 Read more