''bakit ka umuwi ?" gulat na tanong ni Zimon kay Sophia . Ang akala niya nasa ibang bansa pa ito kaya binilin niya si Martin na hanggat maari huwag muna magsabi kay Sophia at baka uuwi ito ng wala sa oras . '' gusto kong tumulong '' sagot nito pero mahina .Nasa opisina siya ngayon ng kompanya nila Zimon dahil doon siya dumeretso pagkagaling niya sa kanilang bahay para magbihis .Wala na rin siyang pahinga dahil gusto niya agad makapunta para makita kung gaano ba kalala ang problema ng kompanya nila Zimon .Nalungkot siya ng marinig na may namatay dahil sa pagkasunog ng ibang parte ng factory at yun ang mga operator ng machine na sumabog . '' Sophia dapat hindi mo muna iniwan si Zilux doon '' bulong din ni Zimon hindi pwedeng may makarinig lalo't nasa malapit lang ang kanyang mga magulang . ''Zimon hindi rin ako mapakali ,,ayos na ang anak ko marami siyang kasama doon pero kayo gusto kong tulungan '' gusto niyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya . Pero paano hindi nga masolve n
Huling Na-update : 2025-11-04 Magbasa pa