Halos maubos ko na ang dalawang baso ng tubig para lang kumalma itong puso ko. Pakiramdam ko, konting-konti na lang ay babalik ako sa dati.Babalik sa dating hulog na hulog na naman sa kaniya.Paano ko naman kasi pipigilan ang sarili kong huwag mahulog kay Archi ulit knowing na all these years, hindi pala siya nagloko… nanatili pala siyang tapat sakin at umaasang babalik ako.Paano ko magagawang hindi siya piliin kung araw-araw ay may madi-diskubri akong bagay para balikan siya nang paulit-ulit.Alam kong mali itong ginagawa ko. Maling iwan yung bagong karelasyon ko dahil lang sa nalaman kong mahal pa ako ng ex ko pero kalaban ko na ang puso at utak ko.Konting gawin lang ni Archi, nagwawala na itong puso ko. Isang salita lang niya, nagugulo na ang isip ko.Kung noon nasasabi kong ang sama niya, ngayon hindi na kasi malinaw na sakin that he just loves me. For 9 years, wala siyang ginawa kundi hintayin ako.That alone can penetrate the walls I built for him for 9 years.Gaya kanina, whe
Mehr lesen