Liya’s POV[The past, the beginning…]“Liya, natapos mo na ba ang assignment na pinapagawa ni sir?” ang tanong ni Maris, kaklase ko.Bahagya akong tumango.“Oo tapos na,” nakangiti kong sagot.Humaba ang nguso niya at lumapit sakin. “Ako hindi pa. Pero teka, maiba ako… balita ko nagpapapansin daw sayo si Jude?”Napatigil ako nang ilang sandali at tinapunan siya ng tingin bago ako tumingin ulit sa harapan.“Hindi naman…” sabay hinga nang malalim.“Anong hindi? Kita kaya ng lahat na nilapitan ka niya during recess. Anong sinabi niya sayo? Inaya ka ba niya na i-date mo siya? O baka naman ay ginugulo ka niya? Gusto mo bang samahan kita sa disciplinary office?”Hindi ako sumagot para matigil na siya katitiktik tungkol kay Jude.Umang umaga pa lang, nagiging masama na yung tao kahit na wala naman siyang ibang ginagawa.Akala ko titigil na siya no’ng pinili kong hindi na magsalita pero talagang binuka pa niya ang bibig niya.“Naku Liya, huwag ka nang lumapit lapit doon sa lalaking yun. Alam
Read more