Kinaumagahan, araw ng Sabado, habang naglalaba ay pinag-iisipan ni Maliah kung pupunta ba sa birthday party ng pamangkin ni Aling Nina, wala siyang maisusuot. Alam niyang pormal na okasyon ang pupuntahan niya, isa pa'y may umuusbong na kaba sa dibdib niya. Hindi mawari kung bakit. Ganito rin ang naramdaman niya nang pumunta siya sa bar. Matapos mai-hanger ng mga damit ay nagtungo siya sa kusina at nagbalak ng lulutuin para sa pananghalian. Naisipan niyang magluto na lamang ng ginisang sitaw. Nagsalang muna siya ng sinaing, saka ay ginayat ang lulutuing pang-ulam. Iginigisa na niya ang gulay, nang biglang nakarinig ng boses sa labas ng pinto. Boses ni Monet. Agad siyang nagtungo sa gitna ng pintuan at pinapasok ito. "Pumunta si Aling Nina kahapon, pinasasabing huwag ka raw mawawala bukas. Kasali yata tayo sa eighteen candles," pahayag nito na ikinabigla niya. "Ano?" bulalas niya. Hindi niya yun alam. Kung totoo ang sinasabi nito, walang hindi na pupunta siya. "Basahin mo kaya ang
Lumipas ang araw nang hindi namamalayan ni Maliah, araw na naman ng Friday. Hindi na siya sinisigawan ng kanilang head, kahit si Yna. Mahinahon na ang pagsasalita nito sa kanila. At si Pamela, araw-araw pa rin siyang binibuwisit sa tuwing magtatagpo ang landas nila. Tulad na lamang ng oras na yun, nasa restroom siya, kasama si Missy, biglang sumulpot ito at may kasamang dalawang babae. Kunwari itong nagulat, pero mas nagulat siya sa isiping bakit ang restroom na nasa floor nila ang gagamitin nito? Gayong may restroom sa itaas na kung saan ay nandon ang opisina nito. Hinubad nito ang suot na white blouse at humantad ang makurba nitong katawan. O baka'y sadyang ipinagyayabang. Black tube ang pang-ilalim nito at alam niyang wala itong suot na anumang bra maliban sa kapirasong tela. Nang gumalaw abg ulo nito'y mabilis niyang iniiwas ang paningin dito. "Ang ganda talaga ng katawan mo, Pamela," sabi ng isa sa kasama nito. "Kaya nga humaling na humaling si Sir Jacob diyan e, dahil sa maga
Tumaas ang dugo niya dahil sa naririnig. Hindi niya alam kung bulong ba o sadyang ipinaririnig sa kaniya ang usapan ng dalawang babae. Pasimple niyang inayos ang nagulong buhok, pinunasan ang pawis sa noo at saka ay nilingon ang nasa likuran niya. Tumahimik ang dalawa. Sinuri niyang mabuti ang hitsura ng mga babae, ang isa ay maliit at may katabaan, ang isa naman ay mataas ng kunti sa kasama ngunit payat."Lakas manglait! Kung makapagsalita ay kilalang-kilala ako," hiyaw ng kaniyang isipan. Pinigil na lamang niya ang sariling huwag patulan ang dalawa, isa pa'y huminto na ang elevator. Bago siya tuluyang lumabas ay muli niyang tiningnan ang dalawang babae, nginitian ang mga ito at humakbang na palabas. Marahas siyang huminga matapos sumara ang pinto, naiwan sa loob ang dalawang babae, marahil ay sa kasunod na floor pa ang punta nito. Malalaki ang hakbang na ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nagsunod-sunod muli ang pintig ng kaniyang puso matapos bumalik sa reyalidad ang kaniyang is
Tikatik ng keyboard ang maririnig nang pumasok ang head ng administration office. Lahat ay busy. Nakatutok ang mata sa nasa harapang computer. Mabilis na tumayo si Maliah at iniabot ang papel na ipapa-check sa ginang. "Kindly check this paper, Ma'am," aniya, seryoso ang mukhang nakatitig sa papel. Hindi siya satisfied sa gawa, kaya kailangan niyang ipakita sa kanilang head ang na-finalize na papel. Nakabuka ang bibig na hinawakan 'yon ng ginang.Sumingit sa pagitan nila si Donna. "This one also, ma'am. Hindi ako satisfied.""Me, too." Tumayo na rin si Missy para ipakita ang result ng final report na ipapasa bukas. "Kinakabahan ako," bulong ni Donna. "Me, rin," sang-ayon ni Missy.Wala na ba itong alam na gawin kundi ang sumang-ayon? Natawa siya sa naiisip. Palagi itong naka-second the motion sa kanila. Bumalik sa reyalidad ang isipan niya nang marinig ang patanong ni Ma'am Patty."What happened?" "We need to finish all that papers, Ma'am." Si Missy na ang sumagot, kasabay ang pag
Narinig ni Maliah ang pagsinghap ng mga kasama, ganoon din si Ma'am Patty. Hindi makapaniwalang masasabi niya 'yon sa binata at sa harap pa ng marami. "What did you say?" sarkastikong tanong ni Jacob. Umikot ang itim ng mata ni Maliah. "Bobo ka ba o tanga lang talaga?" Wala na siyang pakialam kung magalit ito sa kaniya. Dumilim ang mukha ng binata. Halatang nagpipigil ng galit. Iyon ang sinamantala niya. Hindi siya makapapayag na pagsalitaan nito ng kung ano, lalo na't wala itong alam sa tunay na nangyari. Taas noong humakbang siyan palapit dito. "Alam mo, Sir, kung ayaw mong masaktan ang girlfriend mo, pagsabihan mong huwag siyang mang-alipusta ng kapwa dahil hindi kami santa... napapatid din ang aming pisi. Or kung gusto mo, itago mo na lang siya sa loob ng brief mo." Payak siyang ngumiti, iniinis ang dating nobyo. Sinusubok niya kung hanggang saan ang kaya nitong gawin para kay Pamela, ngunit hindi niya inaasahan ang susunod nitong gaagawin. Mahigpit siyang hinawakan nito sa
"Then, I'll resign," taas-noong sabi ni Maliah. Mahal niya ang kaniyang trabaho, pero kung ang tulad ni Ma'am Patty ang makakasama niya. Araw-araw nang galit sa kaniya, daig pa ang tigreng naglilihi, ngayon ay nagdagdagan pa ng isang tulad ni Pamela, tiyak na hindi siya matatahimik. Mabuti pang mag-resign na lamang, nakasisigurado siyang may mahahanap pang ibang trabaho. Naningkit ang mata ni Ma'am Patty. "Tinatakot mo ba ako?" Huminga siya ng malalim. Balak sana niyang mag-explain ng maayos, pero alam niyang sarado ang isipan nito sa kung ano man ang ipaliliwanag niya. Isusulat na lang siguro niya sa resignation letter ang dahilan kung bakit siya aalis sa trabaho. Tumayo siya, ngunit may isang nagsalita na sobra niyang ikinagulat. "Me, too. Mag-resign na rin ako." Tumayo si Missy. Isinukbit ang bag, inayos ang buhok at damit. "I'm ready," sabi pa nito. Umawang ang bibig niya habang ang mata ay nakatuon kay Missy. Seryoso ba ang isang ito? "Ako rin," segunda ni Donna. Tumayo na r