Justine's Point of View Sa dami ng pinamili namin, hindi ko alam kung paano namin nadala iyon lahat. Buti na lang at tinawagan ni Grandma Teresa ang driver para kunin ang iba papunta sa sasakyan.Nang muli kaming nasa sasakyan ay hapong hapo na ako. Nakakapagod ang buong araw pero mukhang walang kapaguran itong si Grandma. Energetic pa siya samamtalang ako bilasang isda na ang itsura."Punta tayo sa OLA, Serafin..." Nagtaka ako. OLA? Saan na naman iyon?"Saan po tayo pupunta?"Tumingin sa akin si Grandma. "School, Tin!"OLA?"Oh la la!" mulagat ang mga mata nang bumaling ako kay Grandma. "Huwag ninyong sabihin na—""Oo, Tin. Mag-e-enrol ka."Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Hindi ko alam ang puwede kong maramdaman. Dapat bang masaya ba ako kasi binibigyan ako ng opportunities ni Grandma makapag-aral? O kabahan dahil dagdag pasanin na naman? Para kasing napakarami bigla ang nasa pinggan ko. Baka hindi ko kayanin."Huwag mo munang tanggihan, Tin. Pumunta muna tayo
Last Updated : 2025-08-24 Read more