Justine's Point of View "Anong itinawag mo sa akin?" Pinameywangan ako ng babaeng nakakapit na parang tuko kay Sir Xander. "Maja Ruth Fuki-mo..." ika ko. "It's Fukiko. Hindi Fukimo. My name is Maja Ruth Fukiko..." aniyang nalukot ang mukha sa inis."Kaya nga, Fukimo. Alangan naman Fukiko ang maharot!" sarkastiko kong sagot. Seryoso kunwari pero natatawa na."Aba! Xander, binabastos na yata ako ng maid m—""Ooppss," singit kong putol sa sinasabi niya. "Not a maid anymore. I'm his assistant now," sagot ko. Bumagsak ang panga niya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwalang napatingala kay Sir Xander na sa unang pagkakataon, hindi yata nagalit sa akin. "Xander..." tawag niya muli. Parang naghahanap ng paliwanag mula dito. "Just take a seat, Maja Ruth..." Tumaas ang kilay ko nang tila gusto pang ituloy ni Sir Xander banggitin ang apelyido nito. Nagpigil lamang siya. Halata. Nagmamaktol na naupo muli si Maja sa inuupuan niya. Ako naman ay sa kaharap na upuan niya. Si Sir Xander naman
Last Updated : 2025-09-10 Read more