Justine's Point of View Itong si Sir Xander sala sa lamig sala sa init talaga. Hindi ko mawari ang ugali. Minsan mabait, minsan moody. Ang ipinagtataka ko ay sa akin lang naman siya laging parang galit. Sobrang bait naman niya sa ibang tauhan. Ganoon na ba niya ako ka-hate?"Nice to meet you all..." ika niyang nakangiting binati ang mga tauhan na kakarating lamang. Iyong mga hinihintay namin. Mga lima ang mga iyon na pawang mga working students. Sila Cecil, George, Lina, Todd at John. Halos mga kaedaran ko ang iba sa kanila o mas matanda sa akin ng kaunti. Sabagay mag-twenty na ako sa susunod na buwan. Ang bilis ng panahon."I want to talk to all of you in my office. Please," Yakag sa kanila ni Sir Xander. Iminuwestra ang kamay patungo sa opisina nito. Ako naman ay nakasunod sa bawat galaw ni Sir Xander. Pinauna ko silang makaakyat nang biglang tumigil ang ipinakilalang John. Ngumiti siya sa akin. "After you, Miss..." sabi niyang ngiting ngiti.Ngumiti ako pabalik. Mukha naman si
Terakhir Diperbarui : 2025-10-12 Baca selengkapnya