3rd Person's Point of ViewUnti unting bumalik sa normal ang lahat matapos ang magulong pangyayari na halos yumanig sa buong Royal Academy. Ang mga pasilyong ilang araw na puno ng sigawan, takot, at kaguluhan ay muling nabalot ng katahimikan. Ang mga estudyanteng hindi pa rin tuluyang nakakalimot sa nangyari ay pilit na ibinabalik ang kanilang sarili sa dating pamumuhay, kahit na bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang pangamba sa tuwing naaalala nila ang araw na iyon.Ang lahat ng mga taong naging kasabwat sa insidente ay isa isang nahuli ng mga awtoridad. Wala ni isa ang nakatakas sa masusing imbestigasyon. Dahil sa dami ng ebidensyang nakalap, mabilis ding naisakatuparan ang kanilang pagkakaaresto.Samantala, ang mga estudyante at mga gurong nawalan ng malay ay nabigyan agad ng tamang lunas. Isa isa silang nagkamalay at unti unting bumuti ang kanilang kalagayan. Sa kanilang mga alaala, iisa lamang ang taong nagligtas sa kanila.Ang laboratory president na si John.Siya ang naging mu
Read more