Lewis POVNakatanaw sa bintana ng eroplano ang aking mga mata. Tanging ulap na lang ang nakikita ko dahil alam kong malayo na rin ako sa New York.Matapos ang gabi, sa pagsapit ng umaga, agad na kaming tumungo ni Vlad sa airport at hinatid niya ako. Sa ngayon, kailangan na muna naming bumalik sa kanikanila naming buhay at ayusin ang mga dapat ayusin.Sa ngayon, ang pinanghahawakan ko na lang ay ang tiwala kay Vlad. Nagtitiwala ako sa kanya na sa pagkakataong ito, tutupad siya sa napagkasunduan at sa oras na maging maayos na ang lahat, muli kaming magkikita at magsasama sa iisang bubong.Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, saka tumama ang tingin sa batang natutulog ngayon sa aking binti.Dahil maaga kaming umalis kanina, nakatulog muli si Liam sa loob ng eroplano. Marahan kong sinuklay ang buhok ni Liam gamit ang aking daliri.'Wag kang mag-alala, anak. Makikita mo ulit ang daddy mo,' sambit ko sa aking isip.Habang sinusuklay ko ang kanyang buhok, tumama ang tingin ko sa sings
Last Updated : 2025-09-07 Read more