Angel's POVMADILIM ang paligid at tanging ilaw na nagmumula sa mga bilog na disco lights ang nagsisilbing ilaw sa madilim na bar. Simula nang magbukas ang bar na ito, ako na ang unang customer nila. Hanggang ngayon na malalim na ang gabi, nandito pa rin ako.Ang totoo, hindi ko na mabilang kung ilang alak na ang nainom ko. Halos nangangapal na ang aking nguso at gumagalaw na ang paligid, ngunit dahil dito, unti-unting nagiging manhid ang pakiramdam ko, ngunit hindi ang aking puso.Muli akong lumagok ng alam nang maalala ko ang bagay na nakita ko kaninang umaga, isang bagay na pinagsisisihan ko."Bullsh*t, Angel! Bakit ba kasi kailangang paulit-ulit mo pang isipin ang bagay na iyon? Dahil sa ginagawa mo, paulit-ulit mo ring sinasaktan ang sarili mo," sunod-sunod kong bulyaw sa sarili ko na akala mo ay nababaliw na.Muli akong uminom ng alak, saka pinahiran nang mariin ang aking luha.Lumipas ang ilang oras, nagsimulang mabalot ng malalakas na musika ang paligid. Ang mga tao ay sumayaw
Read more