Share

Chapter 77

Auteur: Rhan Jang
last update Dernière mise à jour: 2025-09-11 14:38:50

Lewis POV

Sa pagsapit ng umaga, bumukas ang talukap ng aking mga mata nang marinig ang sunod-sunod na katok ni mommy sa pinto ng aking kuwarto.

"Lewis, anak. Manood ka ng balita, nasa press conference si Vlad," saad niya sa akin.

Wala pa man ako sa sarili, kinusot ko ang aking mata at kinuha ang remote na nakapatong sa lamesa katabi ng aking kama. Sa pagbukas ng TV, mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang makita si Vlad. Nakatayo siya sa isang platform at maraming mikropono ang nasa harapan niya.

"Ito na ba ang sinasabi niya?" sambit ko saka mabilis na napabangon sa kama.

"Good day, everyone. I am Vladimir Grayson, the owner of Grayson Corporation. To my fellow businessman at sa lahat ng board members ng aking kompanya, humihingi ako ng pasensya dahil matagal akong lumiban sa trabaho nitong nakaraang buwan. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na nagkaroon ako ng karamdaman. Anyway, I am not here to emphasize those incidents. I am here to clear myself about my private relationship
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Marjorie G. Calasagsag
trydor talga trishang to haha magagaya ka rin Kay Eunice kala Nyo ha
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 78

    Lewis POVMariin ang pagkakahawak sa aking bibig at hindi ako makawala sa kapit ng lalaking ito sa akin.'S-Sino ang isang to?' sambit ko sa sarili.Patuloy niya akong hinila hanggang sa tuluyan kaming makalayo sa kinaroroonan ni Trisha at Ivan. Nang makita niyang malayo na kami, binitiwan niya ang aking bibig."Hayop ka! Kidnapper ka ano?"Sa aking pagharap, nanlaki ang aking mga mata nang makita si Mico sa aking harapan."M-Mico? Anong ginagawa mo rito?" kunot ang aking noo na tanong sa kanya."Ikaw ang anong ginagawa mo rito? Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Paano kung makita ka ng dalawang 'yon, Lewis?" sambit ni Mico sa akin, nababakas ang pag-aalala sa kanyang tinig."I-I'm sorry... Sandali nga, ano nga bang–""Mahabang kuwento, Lewis."Lumingon sa paligid si Mico. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang muli niyang hilahin ang aking kamay."Come here! Paalis na sila, baka makita nila tayo!" sambit ni Mico, saka ako niyakap nang mahigpit at nilapat ang likod sa pader

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 77

    Lewis POVSa pagsapit ng umaga, bumukas ang talukap ng aking mga mata nang marinig ang sunod-sunod na katok ni mommy sa pinto ng aking kuwarto."Lewis, anak. Manood ka ng balita, nasa press conference si Vlad," saad niya sa akin.Wala pa man ako sa sarili, kinusot ko ang aking mata at kinuha ang remote na nakapatong sa lamesa katabi ng aking kama. Sa pagbukas ng TV, mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang makita si Vlad. Nakatayo siya sa isang platform at maraming mikropono ang nasa harapan niya."Ito na ba ang sinasabi niya?" sambit ko saka mabilis na napabangon sa kama."Good day, everyone. I am Vladimir Grayson, the owner of Grayson Corporation. To my fellow businessman at sa lahat ng board members ng aking kompanya, humihingi ako ng pasensya dahil matagal akong lumiban sa trabaho nitong nakaraang buwan. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na nagkaroon ako ng karamdaman. Anyway, I am not here to emphasize those incidents. I am here to clear myself about my private relationship

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 76

    Vladimir's POV"Ito na ba ang lahat?""Yes, Sir. Lahat po ng ebidensya ay conversion sa pagitan ni Ms. Eunice at mga IT expert ay nandito na," tugon sa akin ng akong assistant."Okay. Keep it at ipapasa natin iyan sa korte. Make sure na makukulong ang babaeng iyon.""Yes, sir!"Matapos lumakad palayo ng assistant ko, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Eunice.Ang babaeng ito, wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na ginagawa ko. I will do everything to make her suffer in jail at gugulatin ko na lang siya rito.Maya-maya lang, sinagot ko ang kanyang tawag."Hello, Vlad? Bakit ba iniiwasan mo ako? Alam kong bumalik na ang alaala mo, pero huwag mong kalimutan na nangako ka sa 'kin na pakakasalan mo ako, hindi ba? Also, nagsukat na ako ng mga wedding dress at namigay na ng invitation. Hindi pwede to, Vlad! Hindi ako papayag na gawin mo sa 'kin to!" sunod-sunod na bulyaw ni Eunice sa kabilang linya ng telepono.Napabuntonghininga na

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 75

    Lewis POV"Mr. Lim, pwede naman po nating pag-usapan. 'Wag naman po sana kayong mag-pull out nang ganoon na lang."Hinagod ko ang aking sentido habang kausap ang isa sa malalaking investor sa aking kompanya. Nagdesisyon na rin kasi itong umalis at pangatlo na siya sa mga malalaking tao na nagpu-pull out sa akin."I'm sorry, Miss Perez. Pero buo na ang desisyon ko. I hope you will find a solution to this. Ayokong madamay sa ganitong bagay. Again, I'm sorry.""P-Pero, Mr. Lim!"Bago pa man ako makapagpaliwanag sa kanya, binaba na niya ang telepono. Napakamot na lang ako ng ulo at sinandal ang likod sa headrest ng swivel chair na inuupuan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang buntonghininga na ang aking nagawa at wala na akong maisip na solusyon para sa problemang ito. Tumama ang tingin ko sa kinaroroonan ni Trisha. Ngayon ay nakapalumbaba siya sa habang nakaharap sa kanyang laptop. Alam kong sa mga oras na ito, maging siya ay nahihirapan sa mga bagay na nangyayari.Pilit kong ningiti ang

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 74

    Trisha's POV"G-Gusto kita, Drake. Sana tanggapin mo itong bulaklak na bigay ko sa 'yo."Isang ngiti ang binigay sa akin ng lalaking si Drake na nakatayobsa aking harapan. Napakamot pa siya ng ulo at tila nahihiyang tumingin nang diretso sa akin.Tiningnan niya ang hawak kong bulaklak. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakaganoong posisyon habang nakalahad ang bulaklak sa aking kamay, ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin at hindi sumasagot."D-Drake, may problema ba? M-May sagot ka na ba sa sinabi ko?""I-I'm sorry, Trisha. Isang babae lang kasi talaga ang gusto ko, eh."Mariin akong napalunok at tila gumuho ang aking mundo sa bagay na kanyang sinabi."S-Sino? Sinong gusto mo?" pilit kong pagngiti sa kanyang harapan."Si Lewis... Si Lewis ang crush ko kasi napakaganda niya. Mayaman pa siya."Nanlaki ang aking mga mata at mariing kinuyom ang kamay ko. Ang bulaklak na hawak ko ay tuluyang nasira na animoy papel. Maya-maya lang, muli siyang ngumiti sa akin at tila nakais

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 73

    Lewis POVKINABUKASAN, nagtungo ako sa kompanya ng mga Watson at hindi nagdalawang isip na kausapin si Ivan.Sa pagpasok ko sa kanyang opisina, nakita ko ang kanyang labi na nakangiti sa akin. Ang mga mata niya ay tila naghihintay sa bagay na aking sasabihin."I knew you would visit me today, Lewis," panimula niyang wika.Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka tinapunan siya nang matalas na tingin."Ivan! Anong ginawa mo? Paano mo nagawa sa akin ito?" mabilis kong tanong sa kanya na may halong pagdiin sa mga salita."Hey! You don't need to sound rude after all, you approved my proposal, hindi ba?" pagpilit niya sa akin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa."Alam kong I declined that nang mag-usap tayo, hindi ba?""Then... who approved it? Hindi kaya si...?"Isang matalas na ngiti ang ginawa ni Ivan sa akin. Mariin akong napalunok at kinuyom ang aking kamay."Hindi! Nagkakamali ka. Hindi 'yon magagawa ng kaibigan ko. And besides, nasa akin pa rin ang final approval kahit na payag

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status