"Micah?" "Yes, it's me. By the way, happy birthday to you!" Masiglang bati niya sa akin. "Ibig sabihin same birthday kayo ni Lavinia, isa lang ang ibig sabihin, magkapatid nga kayo.""Are you sure? Kailangan nating alamin kung talaga nga bang magkapatid kami. Ano kaya ang dapat nating gawin?""DNA test, kuha tayo ng sample kay Adam."Biglang nagliwanag ang aking utak sa suhestiyon ni Micah. Tama, kailangan mag-conduct ng DNA test para alamin ang lahat. Bakit nga ba kaytagal kung naalala ang paraan na 'yon? "Sige, sa tingin mo kaya ano'ng resulta?" "Kung ikaw ang magpapa-test, at hindi alam ng lab na identical twin ka ng mama ni Adam, lalabas sa papel na ikaw ang biological mother.""Posible pala ng may ganoong insidente?" Hindi makapaniwalang sabi ko."Yes, dahil may kaibigan akong doktor at talagang sa tingin ko ay gano'n talaga ang mangyayari."Kung gano'n, ibig sabihin isa lang ang pwedeng gawin ko para patunayan kay Ares na hindi ako si Lavinia. Sa pamamagitan ng medical record
最終更新日 : 2026-01-10 続きを読む