-Sofia-“It’s none of your business!” pagsusungit ko sa kanya, at saka hinawakan ang doorknob, pero inilang hakbang niya lang ako at saka pinigilan ang kamay kong buksan ang pinto.“You’re not going anywhere.” mariin niyang wika, halos pabulong ngunit nangingibabaw ang awtoridad. “Kung may mangyaring masama sa’yo sa labas, ako ang mananagot. At habang nasa pamamahay kita, ako ang masusunod. Don’t test my patience, Sofia. You’re really getting in my nerves!”“Excuse me?” I shrieked, pushing him aside, pero dahil sa laki niya, halos hindi siya natinag sa pagtulak ko sa kanya. “Nagbabayad ako ng rent dito kaya wala kang karapatang pigilan ako kung ano ang gusto kong gawin! Hindi kasama sa binayaran ko ang pagbabantay sa akin!”“Sofia, please! Just listen to me, for once. Gabi na! Wala kang alam sa lugar na ‘to, I won’t let you put yourself in danger!”“Danger? Eh sina Kimberly ang kasama ko. Sa tingin mo papabayaan nila ako?” buong pwersang itinulak ko siya palayo, and finally, he moved
Terakhir Diperbarui : 2025-08-26 Baca selengkapnya