Series #1 I love you, Sister Series #2 My Brother's Bestfriend I am Sofia Avery, Vaughn’s younger sister. Akala ni kuya, simple lang akong babae, conservative and old fashioned. Eh nag-aral ako sa ibang bansa kaya na-adapt ko ang culture doon. I am a liberated woman, at may isang naging seryosong karelasyon, but I left him in Spain dahil nagiging bad influence na siya sa akin. Nakilala ko si Josh dela Paz, na kapatid ni sister Bianca, at bestfriend ni kuya. Naging ka-roommate ko siya sa apartment na pag-aari niya. Hindi ko alam na pinaghiwalay ni kuya si Josh at si Alison na ex-fiancée niya. May naka-video na naghahalikan sina kuya Vaughn at Alison, at napanood ito ni Josh. Mahal na namin ang isa’t isa. Ibinigay ko na ang lahat-lahat sa kanya, but I found out that he just made me fall for him para gantihan si kuya. Bumalik siya sa ex-fiancée niya na nanloko lang siya, at nang-akit sa kuya Vaughn ko.
View MoreSeries #1 I love you, Sister
Series #2 My Brother's Bestfriend
-Sofia-
“Mr. Lawrence, nakapag-down na ako sa apartment na pinareserve ko sa’yo, pero bakit ganito ang nangyari?” I was shocked when I found out that the apartment I rented was already occupied.
Nakapagbigay na ako ng advance and deposit, pero ibinigay pa rin ni Mr. Lawrence sa iba ang apartment ko. I made sure na okay ang lahat bago ako pumunta dito sa Cebu. Galing pa akong Spain dahil doon ako nag-take ng course kong Business Administration.
“I’m so sorry. Hindi ko naman kasi alam na darating ang pamangkin ko.” sagot niya habang pumipilantik ang mga daliri.
So, pamangkin niya pala ang dumating, at dahil kamag-anak niya, ibinigay niya ng walang sabi-sabi.
“Wala na po ba talagang ibang bakante?” tanong ko dito habang hinihila pababa ang mini-skirt ko at sa kabilang kamay naman ay ang luggage ko. Nasa sasakyan niya pa ang iba kong bagahe. I was thankful that he was nice enough to pick me up at the airport.
Kapag nasa bahay ako o sa bahay ni kuya Vaughn ay hindi ako nakakapagsuot ng ganito kaiksi. Ang akala niya kasi ay isa akong simpleng babae, conservative at old-fashioned.
Kasalanan ko ba kung na-adapt ko ang culture sa ibang bansa? Ayoko namang magmukhang manang no? Gusto ko, sunod lagi ako sa fashion.
“Share muna kayo ng pamangkin ko, okay lang ba sa’yo? Don’t worry, dalawa naman ang kuwarto doon.” sabi nito habang binubuksan niya ang gate.
“May choice po ba ako? Ito lang ang malapit na apartment sa school.” pairap na sagot ko dito.
“Sige, sorry talaga, ibabalik ko na lang sa’yo ang kalahati ng ibinayad mo.” sabi nito at saka binuksan ang isang pinto.
Bumungad sa akin ang maluwang na sala. May kulay gray na sofa at isang malaking tv na nakakabit sa dingding. Okay na ‘to, as long as makakapag-aral ako ng mabuti. Mukhang tahimik naman ang lugar at walang istorbo. At sana lang mabait ang pamangkin nito.
Iniwan na ako ni Mr. Lawrence, at ako naman ay inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto. Ang problema lang dito, iisa ang cr at nasa labas pa. Hindi ako sanay na may ka-share sa lahat ng bagay especially kapag tungkol sa personal things ang pag-uusapan.
Habang nagsha-shower ay pakanta-kanta pa ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Napasigaw ako sabay takip sa mga nakabalandrang hiyas ko.
“Aaaaahhh!” I screamed at the top of my lungs when I spotted a man standing in the doorway. “Rape! Rape! May rapist dito! Help! Oh my God, help me!”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko makita ang towel ko.
Shit! Hindi ko pala nadala.
“Miss, hindi ako rapist!” napapalunok na tinignan ako ng lalake mulo ulo hanggang paa, tapos ay bumalik ang paningin nito sa mukha kong namumula. “Sino ka? Bakit nandito ka sa bahay ko?”
“Bahay mo?” nagtatakang tanong ko dito. “This is my apartment! Ako ang nagrerent dito!” pinanlisikan ko siya ng mga mata dahil nakatutok ang mga mata nito sa dibdib ko na hindi ko matakpan ng isang braso lamang. Ang isang kamay ko kasi ay nakatakip naman sa baba. “Hoy, manyak! Nandito ang mukha ko.” at itinuro ko ang mukha ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa mga dibdib ko. “Bastos ka! Umalis ka, naliligo pa ako!”
“Bakit kasi hindi ka naglalock ng pinto! Bilisan mo diyan at mag-uusap tayo!” seryosong sabi nito at saka muling isinarado pabalibag ang pinto.
Aba, at siya pa ang may ganang magalit! Manyakis!
Halos mapaiyak na napasandal ako sa malamig na dingding. That jerk! Nakita niya na ang lahat sa akin! Ang bastos!
Nanginginig ang buong katawan na tinapos ko na ang paliligo, pero dapat ay isang oras pa akong magbababad dito. Ang lagkit kaya ng pakiramdam na galing sa mahabang biyahe. Napakat-labi ako nang maalala ko na naman ang towel ko. Bakit ba kasi nakalimutan kong dalhin, nakakainis!
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Sumilip ako sa labas.
Wala ang mokong.
Pero nakarinig ako ng kaluskos sa may kusina.
“Hey!” malakas na tawag ko dito. At biglang tumahimik ang paligid. “Hey, I’m talking to you, you pervert!”
Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit, at mabilis na itinago ko ang katawan ko sa likod ng pinto. Ulo lang isinungaw ko. At nang makita ko ulit ang guwapo niyang mukha ay itinaas ko ang kamay ko. “Diyan ka lang, huwag kang lalapit.”
Wait, did I say guwapo?
Nah! Mas maraming guwapo sa Spain no!
“Excuse me? Tinawag mo ako, tapos ayaw mo akong palapitin?” he scoffed, and I rolled my eyes at him. “What do you want? Gusto mong paliguan kita?”
"Bastos ka talaga!"
"Ano nga!" nagkakamot ng ulong sabi nito. "Bilisan mo, marami pa akong gagawin."
“I forgot my towel.” I told him.
“So?” nakataas ang kilay na sagot niya. Nanggigigil na ikinuyom ko ang mga palad ko. Ang sarap sabunutan ng kulot niyang buhok!
Basta kulot, salot!
But I tilted my head. Guwapo talaga siya. He looked like the young Ryan Philippe, my ultimate crush, pero parang hindi. Parang mas guwapo pa nga siya. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad, at ang ganda pa ng katawan. Feeling ko mas bagay sa kanya ang straight na buhok. Maybe I would fall for him kung baguhin niya ang buhok niya.
Wait, what? Naramdaman kong biglang nag-init ang buong katawan ko.
I quickly shook my head. Ano bang nangyayari sa akin? Why am I drooling at this man?
“C-can you get my towel for me?” my voice softened. Nakikiusap na ako. Sana lang ay hindi niya ako sungitan. “Nakalimutan ko kasi eh.”
He folded his arms while smirking. Nakakainis, bakit mas lalo siyang gumuguwapo kapag nakangisi siya ng ganyan?
“That’s not my problem anymore. Eh di kunin mo!” sabi nito at saka tumalikod.
“Hey, come back here! Nakikiusap na nga ‘yung tao! You are so heartless!” halos maiyak na ako dahil sa kabastusan ng lalaking ito. "Hey!"
Muli itong humarap.
“Say please muna.” nang-aasar na sabi niya.
No. Bakit ako magpiplease sa kanya.
“Ayaw mo? Sige, magluluto pa ako.” at tumalikod na ulit ito.
“Please!” sigaw ko, at napahinto siya. Dahan-dahang humarap.
“Gusto ko ‘yung malambing na please.”
I rolled my eyes at him again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong ginawa. Nakakainis kasi siya.
“P-please…” I said, battling my eyelashes at him na parang nagpapacute.
Siya naman ang nag-roll ng kanyang eyes. “Saan ba nakalagay?”
“Nasa ibabaw lang ng kama ko. Thanks!” sabi ko dito at saka pinanood itong pumasok sa kuwarto. Paglabas ay hawak na nito ang white fluffy towel ko.
“Here’s your towel, my princess.” nag-bow pa siya bago inihagis sa mukha ko ang tuwalya.
"Ouch! Ano ba!" Bastos talaga!
Mabilis kong ibinalot ito sa katawan ko at saka nagtatakbong bumalik sa kuwarto ko.
Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa habang pabalik sa kusina.
Pervert!
-Sofia-Uwian na, pero hindi ko pa rin nakikita si Josh kaya nagpasya na rin akong umuwi sa bahay. Nakita ko ang kotse niya sa garahe, so ibig sabihin, hindi siya umalis ng bahay. Dire-diretso akong pumasok sa loob at hinanap siya.“Josh, I’m home!” malakas na sigaw ko sabay hagis ng bag sa sofa. “Josh! Where are you?”Wala siya sa sala, wala sa kusina. So, ibig sabihin nasa loob siya ng kanyang kuwaro. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para kumatok, at pinihit ang doorknob niya bago itinulak pabukas ang pinto.Napangiti ako nang makitang nasa meeting pala siya. He was talking to people on Microsoft Teams, and they appeared to be gathered in a conference room. Kaya pala hindi siya sumasagot, busy pala.Baka nagmamadaling umuwi kanina nang malamang may meeting sila, at hindi na niya ako nasabihan. It’s okay. Naiintindihan ko naman. Basta kapag tungkol sa trabaho, walang problema. Huwag lang tungkol sa babae.Naupo ako sa kama niya, at matiyagang hinintay siyang matapos.“Now that D
-Sofia-“At bakit ako magpapaliwanag sa’yo? Sino ka ba?” paismid na sagot ni Clara at doon na nagdilim ang paningin ko.Dinakma ko ang kanyang buhok at inginudngod ko siya sa bintana. “Ikaw pa ang matapang, ikaw na nga ‘tong may kasalanan!” galit na sigaw ko, at itutulak ko na siya sa bintana nang bigla akong pigilan ni Kim.“Sofia, no! Papatayin mo ba ‘yan?” hinila niya ako palayo kay Clara. “She’s not worth it! Baliw ang babaeng ‘yan! Pag pinatulan mo, eh di mas baliw ka sa kanya!”“Yes, I’m gonna kill her! Bitawan mo ako, Kim!” susugurin ko sana ulit si Clara nang bigla nitong itinaas ang mga kamay.“Oo na! Oo na, magsasalita na ako.” Ramdam ko na ang takot sa boses niya kaya kumalma ako, pero tumaas-baba pa rin ang dibd*b ko sa sobrang galit ko sa kanya. “I showed them the video of Josh.” nakataas ang kilay na sagot niya.“Kanino?” malakas na sigaw ni Kim. “Ilan silang pinasahan mo ng video?”“I didn’t send them the video. I just showed it.” Clara replied, biting her lower lip. “J
-Sofia-Tapos na ang klase ko, pero walang Josh na dumating sa room. Bigla akong nanlumo. Sabi niya kanina, dadaanan niya ako para sabay kaming mag-breaktime.Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kimberly. “Sinong hinihintay mo?”“Sino pa ba?” pairap na sagot ko sa kanya. “Eh di ‘yung asawa ko.”“Wow, asawa agad?”“Siyempre, may nangyari na sa amin eh. At sabi niya pakakasalan niya daw ako. Ipaglalaban niya daw ako kay kuya Vaughn.” kinikilig na saad ko.“Nakita mo din ba ‘yun?” narinig kong sabi ng isang babaeng nakasalubong namin sa kasama niya. Ang laki ng ngiti niya at parang kinikilig pa.Hindi ko sila pinansin, at muling kinausap si Kimberly. “Kayo ba ni Vincent? May development na ba?” pero napatigil ako sa sumunod na sinabi ng isa pang babae.“DIyos ko, kung ako ang girlfriend ni Josh, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Busog na busog ka lagi dun, girl! Ang sarap-sarap niya siguro.”Napapangangang sinundan ko sila ng tingin. “Narinig mo ‘yun?” tanong ko kay Kim.“Ang a
-Josh-The semestrial break was over, and school was starting again. Bigla akong nawalan ng ganang pumasok, pero dahil kay Sofia, tatapusin ko itong sinimulan ko.The mornings were the same as ever, except now Sofia and I slept next to each other in her room, and sabay na rin kaming maligo. And as always, ipinagluto ko siya at sabay kaming kumain ng breakfast.“I’ll see you later, baby.” humalik ako sa mga labi niya bago kami naghiwalay sa school. I saw Vincent in my class, and he was all smiles as he tapped my shoulder. “Good morning, bro!”“Good morning. Bakit parang ang saya mo yata ngayon ah?” natatawang saad ko bago kami sabay na naupo sa harap ng classroom.“Palagi naman akong masaya.” mayabang na sagot niya at napapailing na lang ako. Alam kong may unawaan na sila ni Kimberly, at sana lang ay tumigil na siya sa pagiging f*ckboy niya. Nasasaktan niya na si Kim. Tumahimik na ang lahat nang dumating si Prof. Martinez. I tried paying attention to the class, but all I could think a
-Sofia-I looked down at the plate of bacon, eggs, and sausages with fried rice, set beside a fresh cup of coffee he had placed on my lap. “Is this the way of you apologizing to me?” tanong ko, at napahagalpak na naman siya ng tawa.“No. This is my way of spoiling a beautiful girlfriend like you.” he whispered before pulling me into a passionate kiss, pero mabilis ko siyang itinulak.“Wait lang. Hindi pa ako nagtutoothbrush.” nahihiyang saad ko. “Panay ang halik mo diyan.”“Okay lang ‘yan. You still have the sweetest saliva I have ever tasted.” “Eeew!” natatawang hinampas ko siya sa hita. “Sweetest ka diyan. Panis kamo!”Dinampot ko ang tasa at humigop ng kape, pero mainit pa ito. Lumapit si Josh at hinipan niya ito para sa akin. For a moment, he just watched me sip on the hot liquid, habang hinahawi ang buhok ko.Pagbaba ko ng tasa, nagsimula siyang subuan ako. “Hmmm… delicious!” I said, and he gave me a sweet smile. “Thank you for this, Josh. And I’m sorry.”Lumapit ako at hinalik
-Sofia-Masakit ang katawan ko, lalong-lalo na sa ibabang parte, partikular sa pagitan ng aking mga hita dahil first time may pumasok sa akin na mas malaki pa sa daliri. But then I smiled, remembering how Josh was so gentle to me last night. I remember how he cradled me so lovingly, looking me in the eyes as he thrust in and out at a slow, gentle pace. How he captured my moans in his mouth, swallowing every sound I wanted to let out.Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama at naglakad papunta sa closet para kumuha ng maisusuot. Nagising ako na wala siya sa tabi ko, at hindi ko maiwasang madisappoint. Akala ko sabay kaming magmumulat ng mga mata, gigisingin niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga halik, and then we’d make love again.Lumabas ako ng kuwarto at naglakad papunta sa hagdan, nang makarinig ako ng mga boses sa baba. Sumilip ako at nakita ko si Vina na naglakad palapit kay Josh at yumakap sa kanya. Parang hindi man lang natinag ang loko. Hindi din siya nagreact nang halikan siy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments