Sa pagdating ng Jan,5…Sa isang kwarto sa White Big House ng Mendoza Family.Si Cyrell ay nagising dahil sa txt na kanyang natanggap.Kanyang kinuha ang kanyang CP at binasa ang txt.“Cyrell, My Princess… Gising ka na po, may pupuntahan kayo ngayon ni Ma'am Sarah. Tulad ng sinabi sa atin ng mga magulang mo kahapon.”Huminga ng malalim si Cyrell at sya'y nag reply.“Opo, ito na babangon at mag-aayos na ng sarili.”At sya'y bumangon sa kanyang higaan saka sya nag ayos ng kanyang sarili.Sya ay nag toothbrush, naligo, nagbihis ng casual na damit na pang-alis at kumain ng tinapay saka uminom ng tubig.Sa kanyang paglabas sa kanyang kwarto…“Good Morning, Cyrell.”Ang naka-ngiting pagbati ni Casey sa kanyang anak.“Magandang umaga, anak ko.”Ang masayang sabi ni Caleb kay Cyrell.Tumingin si Cyrell sa kanyang mga magulang at sya'y sumagot.“Magandang umaga po, Ma at Pa.”Hinawakan ni Casey ang kamay ng kanyang anak at sya'y nagsalita.“Ngayong araw ay makikipag kita sa iyo si Sarah, kaya…
Huling Na-update : 2025-10-04 Magbasa pa