Sa pagdating ng Jan,6…Sa isang silid sa Private Hospital ng Victory Medical Center ay naroon sina Rogelyn at Rose.“Ma, bukas na po ang kasal nila Sean at Cyrell…”Ang sabi ni Rogelyn habang nakatingin kay Rose at nagpipigil ng kanyang mga luha.“Ma, gumising na po kayo dyan… Paki-usap po, kailangan ko po kayo ngayon…”At nagsimulang umiyak si Rogelyn sa harapan ng kanyang ina.“Ma, ikakasal bukas ang lalaking mahal ko sa babaeng hindi naman nya mahal… Napakasakit sa aking puso at isip ang mangyayari bukas…”Ang umiiyak na sabi ni Rogelyn sabay yakap kay Rose.“Ma, gumising na po kayo sa inyong pagkakatulog… Paki-usap po, kailangan ko po ang isang kalinga at pag-ibig ng isang ina…”At may kumatok sa pintuan ng kwarto.Tumigil si Rogelyn sa kanyang pag-iyak at sya'y nagsalita.“Pasok po…”Pumasok sina Fatima at Faith sa loob ng kwarto.Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Rogelyn sa kanyang nakita.“Magandang umaga po, Ate Fatima.”Ngumiti si Fatima at sya'y sumagot.“Magandang umaga di
Last Updated : 2025-10-10 Read more