Pumirma si Kalina sa revised contract. Kayang-kaya ang mga bagong rules. Wala naman masyadong pinagbago doon sa nauna nilang pinag-usapan, mas naging challenging lang.Ginapang niya ang nine years, ano pa ba ang another three years. Para sa kaniya, mabilis na lang ‘yon, mabilis ang panahon. Baka nga hindi niya mamalayan tapos na ang kontrata. Dadatinng ang panahon na hindi na niya, nila, kailangang magpanggap na mag-asawa sa harap ng mga magulang ni Cain.Pero sa ngayon… nagsisimula pa lang ang tatlong taon.“Yes, mom. Got it. See you.”Kausap ni Cain ang inang si Ginette sa telepono. Pagkababa ng tawag problemado agad napatingala si Cain sa kisame. He inhaled a large volume of air before looking back to Kalina.“Emergency. Mom and Dad will come over tonight. And, they expect to see us home together. Sa bahay natin.”“Ngayon?” nawindang si Kalina. Walang laman ang bahay. Walang nakatira.Naswertahan lang sila noong nakaraan dahil saktong magkasama sila noong dumalaw ang ama ni Cain
Read more