LOGINKagat labing nilibot ni Kalina ang tingin sa sala ng bahay niya. Kasaluyan siyang naka halumbaba habang nasa sofa. Nakapatong ang mga siko niya sa tuhod.Wala pa man, nangungulila na siya.Mami-miss niya ang bahay niya.Ang bahay na pinaghirapan niyang paundar. Ang paalaala ng pagsisikap niya.Pero masaya rin siya dahil mas malaking bahay na ang titirhan niya ngayon. Doon na siya tutuloy sa bahay nila ni Cain.For the first time since she was 18 years old, she will not be alone again. May makakasama na siya sa bahay. Tiyak na maninibago siya at mami-miss niya rin ang katahimikan kapag mag-isa ka lang.Nagtipa siya sa cellphone niya. “Ready na ako. Papunta na ako,” text niya sa numero ng boss.Pumayag nga ang boss niya na iwan ang penthouse niya. Sino ba siya para mag-inarte. This is for the convenience of their contract arrangement. Lalo pa at anumang oras wala silang kaalam-alam kung bigla bang susulpot sina Mr. and Mrs. Valvares.Sinandal niya ang likod sa sofa. Ilang saglit ay din
Pumirma si Kalina sa revised contract. Kayang-kaya ang mga bagong rules. Wala naman masyadong pinagbago doon sa nauna nilang pinag-usapan, mas naging challenging lang.Ginapang niya ang nine years, ano pa ba ang another three years. Para sa kaniya, mabilis na lang ‘yon, mabilis ang panahon. Baka nga hindi niya mamalayan tapos na ang kontrata. Dadatinng ang panahon na hindi na niya, nila, kailangang magpanggap na mag-asawa sa harap ng mga magulang ni Cain.Pero sa ngayon… nagsisimula pa lang ang tatlong taon.“Yes, mom. Got it. See you.”Kausap ni Cain ang inang si Ginette sa telepono. Pagkababa ng tawag problemado agad napatingala si Cain sa kisame. He inhaled a large volume of air before looking back to Kalina.“Emergency. Mom and Dad will come over tonight. And, they expect to see us home together. Sa bahay natin.”“Ngayon?” nawindang si Kalina. Walang laman ang bahay. Walang nakatira.Naswertahan lang sila noong nakaraan dahil saktong magkasama sila noong dumalaw ang ama ni Cain
Gulat na napasandal si Ginette sa sofa. Pinundot niya ang remote para i-off ang TV. Cain actually said the truth. Isa iyon sa mga inaasaan niyang mangyari. It’s either Cain will confirm or deny all. But he did the former.Of course she knew the character of her only son. And this? His actions are so out of his character.Hindi iyon magpapadalos-dalos sa mga desisyon niya. Kung walang pake si Cain sa babaeng iyon na biglang pinakilala sa kanila out of nowhere at pakitang gilas lang lahat, hindi ‘to mangyayari. Hindi papayag si Cain na madawit siya sa kahit anong eskandalo. Lalo na kapag usapang babae.She’s testing the couple. Cain did not respond as she wanted. Could that mean that her son really cares for that woman? Talaga bang mahal nila ang isa’t isa?“How about that woman… that Kalina?” tanong ng ginang sa personal niyang sekretarya. “Wala po siyang ginawa. Wala siyang reaksyon. Parang hindi po siya apektado sa pinakalat mong impormasyon nilang mag-asawa.”“Alam na ba niya ang
“Bakit boss? Para saan ba?”“Just do it, Theo. ‘Wag ka na magtanong.”Binaba ni Cain ang tawag pagkatapos sabihin ang mahahalagang detalye na nais niyang ipaimbestiga sa kaibigan. Mabilis umaksyon si Theo, nang makarating siya sa penthouse niya tumawag na ulit ito.“Anong nalaman mo?” bungad ni Cain.“Sorry boss. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang i-background check si Kalina.”“What do you mean?” kumunot ang noo ni Cain. “Expert ka sa ganitong larangan.”“Yes, yes. I know right. Thank you,” puno ng galak at confidence ang boses sa kabilang linya. “Kung ang gusto mo lang kumpirmahin ay kung si Dave Gomez nga ba ang dapat groom ni Kalina noon, tama ka.”“Source?” ani Cain.“Trust me bro.”“Binabawi ko na pala.” Napatampal siya sa noo. “Hindi dapat ikaw ang nilapitan ko. Maghi-hire na lang ako ng private investigator.”“Ito naman! Although hindi ko makumpirma, feel ko talaga ‘yon, malakas talaga ang kutob ko. Pero may problema nga kasi, kaya baka kahit sa ibang investigator
Nang marating ang isang mini garden malayo sa pinagdarausan ng selebrasyon, nalukot ang mukha ni Kalina dahil dumating din ang lalaking sumunod sa kaniya.Hinarap siya ni Dave. “Anong ginagawa mo rito?” gulat at inis ang nangunguna sa boses niya.“Ikaw pala,” umay na sambit ni Kalina.“Noong araw ng kasal natin, ‘di mo ako sinipot. Ngayon, nandito ka sa engagement party ko.” Bakas ang galit kay Dave. Humakbang siya palapit, “Ano bang gusto mo?” “Kahit ano maliban ang maikasal sa ‘yo,” taas noong sagot ni Kalina. “Pero ikaw mukhang nakuha mo na ang gusto mo. Dapat sa una pa lang sinabi mo nang si Natasha ang tipo mo. Pinahirapan mo lang ang mga sarili ninyo, dinamay n’yo pa ‘ko.”“Ano? Kalina, I willingly accepted you as my fiancée before. Kahit arrange marriage lang tayo, sinaalang-alang ko ang lagay ng kumpanya ng mga pamilya natin. It’s you who ruined everything.” “Nasa isip mo rin ba ang kalalagyan ng mga kumanya, ang magiging resulta, noong makipagrelasyon ka sa kapatid ko sa gi
Tinanggihan ni Kalina ang imbitasyon ng ama niya. Hindi rin niya tinaggap ang pag-anyaya ni Natasha. And she still ended up attending this engagement party anyway.Bumukas ang pinto ng kotse at nilahad ni Cain ang palad sa harap niya. Sandaling napatingin doon si Kalina bago iyon tinanggap. Nilagay ni Cain ang kamay ni Kalina sa braso niya saka sila sabay naglakad papasok.“We are not on an official business agenda but we needed to be here. This is important for my network and project I’m currently working on,” bulong ni Cain.Agad naintindihan ni Kalina ang ibig sabihin nito. Basically, this is work. May responsibilidad siya bilang secretary na kailangan kahit wala pa man ay uwing-uwi na siya.Ayaw niya sanang makaharap kahit sino sa pamilya niya at sa mga Gomez. Mas naging alerto siya sa paligid.“Mr. Valvares! I’m glad you’re here.” Lumapit ang grupo ng mga middle age businessman sa kanila at nagsimulang makipag-usap kay Cain.Nahiwalay siya sa bisig ng lalaki at napunta sa likura
“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”Natigil ang maingay na bunganga
BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila. Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari. Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay
“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.” “Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.” Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putah
Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina. Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan.“How are you doing lately?” tanong para kay Kalina.Nilunok muna ng huli ang pag







