The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

last updateLast Updated : 2025-08-21
By:  Tsingshing WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaking independent si Kalina, babad sa trabaho at walang ibang gusto kundi ma-promote at mapatunayan ang kaniyang kakayahan. Sa rami ng plano niya para sa sarili, wala rito ang matali sa kung sinong lalaking hindi naman niya mahal. Kaya naman nang malaman niyang niloloko siya ng kaniyang mapapangasawa, isa lang ang naisip niya—to runaway. Si Cain Valvares, ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Kalina. Malupit na amo at laging seryoso kaya naman kinatatakutan ng lahat sa opisina. Para maging CEO, may binigay na kondisyon ang ama nito: kailangan niya munang magpakasal. Isang kasunduan sa pagitan ng dalawa. Isang sikretong kasal na pareho silang magbebenepisyo. Sa pagitan ng CEO at secretary, imposible nga bang may pag-iibigan na mabuo?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya.

Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa.

Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina.

Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan.

Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama.

Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala ang hantong niya.

“Miss Kalina, ayos ka lang ho ba?” Si Manong Sandro ang nagtanong, ang family driver nila. Tila nag-aalala ito habang naka sulyap sa salamin ng sasakyan.

Bahagya siyang tumango. “Ayos lang po.”

Nakita niya ang sarili sa rearview mirror. Makapal ang make up niya na bumagay naman sa kaniya. Ang buhok niya ay naka-bun ang style na may ilang hiblang nakakawala sa gilid ng kaniyang mukha. Samantalang magardo namang nakakabit sa likod ng kaniyang ulo ang veil.

Panibagong buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Talagang ikakasal na nga siya ngayong araw.

“Normal lang ‘yang kabahan,” tawa ni Manong Sandro. “Oh, oo nga pala kanina may nag-abot sa akin nito. Ang sabi regalo raw sa ‘yo.”

Tinanggap ni Kalina ang puting envelope na inabot nito.

“Kanino po galing?”

“Hindi ko kilala kung sino eh,” sagot ni Manong Sandro habang nasa daan ang atensyon.

Tumango si Kalina at napatitig sa hawak. Sino kaya ang nagbigay ng sobreng ito? Mamaya pagkatapos ng kasalan susundan ito ng reception at pwede namang doon personal na iabot sa kaniya ang regalo. Bakit ngayon agad gayong hindi pa nga natatapos man lang ang seremonya?

Dahil curious si Kalina sa laman ng puting envelope, agad niya rin itong binuksan.

“A-Anong…” Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. “Totoo ba ‘to?”

Larawan ang nasa loob ng sobre. Hindi lang basta pictures kundi pictures ng mapapangasawa niya kasama ang kaniyang half sister!

“D-Dave at… si N-Natasha?” hindi siya makapaniwala.

Base sa pictures, nagtatago sa malayo ang kumuha nito at walang kaalam-alam ang dalawa.

Hindi ‘to kinuhaan ng iisang araw lang dahil magkakaiba ang itsura ng dalawa kada litrato. Marami ang pictures, iba-iba ang anggulo.

Mayroong magkasama kumakain ang dalawa. Namamasyal. Magkayakap, magkahawak ang mga kamay, may naghahalikan pa. At ang pinakamalala sa lahat, magkatabing natutulog sa iisang kama habang walang saplot.

Mabusisi niyang pinagmasdan ang mga larawan. Malalim ang kunot ng noo niya. Hindi siya nagkakamali, sila nga ‘to.

Ilang buwan pa lang nang ma-engage si Kalina at Dave. Arrange marriage ito sa pagitan ng kanilang pamilya. Minadali masyado ang kasal nila. Walang gaanong bisita at malalapit lang na kapamilya at kakilala ang imbitado.

Hindi personal na magkakilala si Kalina at si Dave. Nagkakilala lang sila dahil sa kasunduang kasal. Sigurado si Kalina na gano’n din si Dave at Natasha… siya ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa.

Ibig sabihin ba nito ay pinagtataksilan siya ng dalawa sa mga panahong naghahanda sila sa kasal?

“Nandito na tayo.”

Malalim at mabilis ang paghinga ni Kalina. Sinilip niya ang simbahan sa labas ng bintana.

Hindi niya ginusto ang kasal na ‘to. Mas lalong ‘di niya mahal si Dave na noong kailan niya pa lang nakilala.

At si Natasha… paano niya naatim na makipagrelasyon sa lalaking ipapakasal sa ate niya?!

Mabibigat ang kaniyang hakbang papalapit sa nakasaradong pinto papasok sa pagdarausan ng kasal. Ang magiging kinabukasan niya ang naghihintay sa likod malaking pintong iyon. Matatali siya sa isang lalaki pang habang buhay. At ang lalaking ‘yon pati ang kapatid niya ay niloloko siya.

Sa loob ng simbahan, maririnig ang karaniwang tunog na ginagamit sa kasalan.

Humigpit ang kapit niya sa bouquet nang tuluyan siyang makalapit sa tarangkahan. Mariin siyang napapikit at ilang sandali bago ito tuluyang bumukas, nakapagdesisyon siya.

“Hindi ito ang buhay na gusto ko…” bulong niya sa sarili kasabay ng pagtakbo palayo.

Narinig niya pang tinawag siya ni Manong Sandro pero hindi niya ito pinansin.

Tuluyang bumukas ang pinto, lahat ng tao sa loob ay nag-aabang kay Kalina na pumasok, ngunit ang tangi nilang naabutan ay ang bouquet na naiwan sa sahig.

Tumakbo nang tumakbo si Kalina.

Sinundan niya ang path papunta sa main road. Wala na siyang pake kung ano ang itsura niya ngayon. Basta kailangan niyang umalis!

Napasigaw siya at nadapa sa kalsada. Dahil sa biglaan niyang pagtawid, muntik na siyang masagasaan.

Mabilis nakahinto ang sasakyan bago pa ito tuluyang mabundol si Kalina. Nagmamadaling lumabas ang driver nito. “Hey. Are you okay? Kailangan mo bang dalhin sa ospital—”

“Kalina?”

Napaangat siya ng tingin sa pamilyar na boses ng lalaki.

“Sir Cain…” Napakurap-kurap si Kalina. Ito nga ang Boss niya. “Pumunta ka? Anong ginagawa mo rito?” Wala sa sariling niyang naisambit.

“Inimbitahan mo ako, ‘di ba?”

Oo nga’t siya ang nag-imbita. Pero hindi niya inaasahang pupunta talaga ang masungit na boss niya.

“Ikaw ang anong ginagawa rito.” Tumingin siya sa relong suot. “Kasal mo. Bakit ka nandito?”

Napatayo si Kalina. Humawak siya sa braso ni Cain. “Tulungan mo akong makaalis!”

Hinahanap na siya ngayon panigurado. Kung wala pa siyang gagawin, makikita siya.

“What?”

“Nakikiusap ako. Parang awa mo na. Kailangan kong lumayo rito,” pagsusumamo niya.

Litong nakatingin sa kaniya ang lalaki.

“Please…”

Sawakas, tumango ito. Inalalayan niya si Kalina papasok sa passenger seat ng kaniyang kotse. “Dadalhin kita sa ospital.”

Nagpapasalamat si Kalina sa isip niya dahil nanatili itong tahimik habang nagmamaneho.

Nang makalayo na sila sa simbahan saka lang muli nakahinga ng tuwid si Kalina. Naramdaman niya ang sunod-sunod na pag vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng gown.

18 missed calls.

27 unread messages.

Nag-ring ulit ang cellphone. Tumatawag ang kaniyang ama. Kagat labi niya itong sinagot. Pagtapat niya pa lang sa tainga, halos mabingi na siya sa sigaw na bungad nito.

“Nasaan ka, Kalina?! Anong nangyari?!”

Nanatili siyang tahimik, ‘di alam ang isasagot. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin. Ano na lang sasabihin niya—na tumakas siya sa sariling kasal matapos matuklasan na niloloko siya ng fiance niya at kapatid?

Maniniwala ba ang Papa niya?

“Naghihintay lahat ng tao dito!” Halata sa boses ng kaniyang ama ang galit.

Tumahimik sa kabilang linya, pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita ulit ito sa mas mahinahong boses, “Saan ka nagpunta? Sabi ni Sandro umalis ka na lang bigla. Bumalik ka na rito.”

“Ayoko po.” Buo ang boses ni Kalina nang sabihin iyon.

“Anak? Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi po ako babalik dyan. Hindi ako magpapakasal.”

“Kalina! Napag-usapan na natin ‘to. Ano bang nangyayari sa ‘yo? Pumayag ka na sa kasal, ngayon ka pa aatras?”

“Ayokong magpakasal sa manlo—” nauglot ang sasabihin niya nang may magsalita sa kabilang linya.

“Ate! Bakit mo ba ginagawa ‘to?! Kawawa si Dave, mag-isa sa altar. Mapapahiya siya kung hindi ka darating.” Si Natasha.

Humigpit ang kapit niya sa cellphone.

‘Ang kapal ng mukha mo. Manloloko kayong dalawa! Mga cheater!’

Pinigilan ni Kalina ang sariling masabi ang laman ng isip niya.

Nagsimulang magluha ang mga mata niya—hindi dahil sa lungkot bagkus sa frustration.

“Ganyan ka ba talaga, Ate? Wala ka man lang bang konsensya? Iiwan mo lang sa ere si Dave?”

Nagpantig ang tainga niya. That’s it. Naubos nang tuluyan ang pasensya niya.

“Talaga? Ako pa ngayon ang walang konsensya? Oh, shut up.” Tumawa siya kahit patuloy sa pagluha ang mga mata. “Kung gusto mo, edi ikaw ang magpakasal sa kaniya!”

“A-Ano?” Tila paiyak na ang boses ni Natasha. “Ate, nag-aalala lang naman ako…”

Boses ng Stepmom niya ang sunod niyang narinig. “Wala ka talagang utang na loob ‘no? Dapat nga matuwa ka pa dahil ipapakasal ka sa mayamang pamilya ng tatay mo kahit nilayasan mo kami. Pati ang kapatid mong genuine lang ang hangad, ganito ang ginagawa mong pagtrato!”

Genuine? Ha!

Pinababa niya ang tawag.

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ni Kalina. Nagagalit siya. Naiinis. Kumukulo ang dugo niya. Nababanas siya sa sarili kung bakit niya ba kasi tinanggap ang kasal na ‘to.

Napahagulgol siya sa kaniyang mga palad dahil rami ng emosyong nararamdaman.

“Here. Tissue.”

Natauhan siya. Katabi niya nga pala ang Boss niya. Mabuti hindi naka loudspeaker ang tawag at siya lang ang nakarinig no’ng mga sinabi sa kabilang linya.

Iwas tingin niyang tinanggap ang binigay nitong box ng tissue at tinuyo ang mga mata.

“Salamat.”

“Hmm,” tanging tugon nito. Sandali itong tumingin sa kaniya saka bumalik ang tingin sa harap. Parang may malalim na iniisip.

“I have an offer,” kalaunan ay dagdag ng lalaki. “Gusto mo bang tulungan kita?”

Natigilan si Kalina at napatingin kay Cain. “Paano?”

“Marry me instead.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status