The next day, gloomy ang itsura ni Kalina. Halatang wala ito sa mood. Kahit ganoon, pumasok pa rin siya sa trabaho. Heto nga at nasa opisina siya ngayon ni Sir Cain dahil ang dami na naman nitong inuutos.“Nakikinig ka ba?”Tumigil si Cain sa pagpapaliwanag ng gagawin ni Kalina at kunot noong tinitigan ang babae.Sa harap ng table ng CEO, nakatayong sumagot si Kalina, “Yes, sir. Naintindihan ko po lahat ng sinabi ninyo. May idaragdag pa po ba kayo?”Muling nagsalita si Cain, “Later…”Hinintay naman niya ang kasunod na sasabihin nito.Just for him to say, “Nothing. ‘Wag na pala.” Siya naman ngayon ang napakunot ng noo. “Sigurado ka?”Mula sa casual na pagkakaupo, ginulong nito ang swivel chair para makalapit sa mga papeles niya sa lamesa. Pinaypay nito ang kanang kamay kay Kalina. “Yeah, yeah. Get out.”Mas lalong napabusangot si Kalina.Alam niyang weird ang boss slash secret husband niya. Pero ganito ba talaga siya ka-weird?Hindi siya makapag-trabaho ng maayos dahil nararamdaman ni
Baca selengkapnya